Sunday, September 15, 2024

Twin –Tower sa Kapitolyo “Linchpin” ng Mini High Street ng BGC?

 Ni Mortz C. Ortigoza

 Makikita ba natin ang smaller version ng High Street ng Bonifacio Global City (BGC) sa Capitol Complex sa Lingayen, Pangasinan? Nakikinita ko na oras matapos tumayo ang twin-tower sa susunod na taon, magsusunuran na ring papandayin ang mga street malls, convention centers, 300-room hotel, capitol plaza at iba pa ayon sa plano ni Governor Ramon V. Guico III noong matanong siya ng Northern Watch Newspaper sa sidelines ng pagdiriwang ng kaarawan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos noong Biyernes.

LARAWAN ng twin-tower sa Taipei, Taiwan.


Ang twin-tower ay mag-papaunlak ng mga manggagawa ng provincial at national government.

“Ipapa-bid muna natin next month October iyon. Maganda ang magiging itsura nito,” sabi ng gobernador.

Ayon sa gobernador makikita na ang skycrappers sa susunod na taon.

Ayon Kay Vice Governor Mark Ronald Lambino ang dalawang tower ay may labing isa at walong storey kada isa.

Bonifacio High Street.



“I think 11 kung hindi ako nagkakamali. Eleven saka eight,” saad niya.

Ayon kay Guico napakasayang ang (tanawin ng) karagatan at ang upuan ng kapangyarihan ng lalawigan ng Pangasinan kung hindi mapapatayuan ng recreational facilities, malls, at iba pa.

“So might as well maximize the landholding of the province ganoon din may tenurial instrument tayo dito ang DENR para sa portion unclassified mga (inaudible). Binayaran po natin iyan para meron tayong in kind na hinahawakan diyan maximize natin part ng plan,” paliwanag ng Punong Tagapagpaganap ng isa sa dambuhalang probinsiya sa Pilipinas.

Ayon kay Lambino na makakatulong sa dagdag trabaho ang mga mamumuhunan na maglalatag ng negosyo sa Capitol Complex.

“…That’s the reason we are always enticing business people and making the business climate here in the province suitable para po sa mga negosyante”.

Paliwanag naman ni Guico na pag nagawa na ang towers mapapadali na ang trabaho dahil vertical o pataas na lang ang kilos ng mga empleyado sa pamamagitan sa pagsakay sa elevator hindi gaya sa kasulukuyan na sitwasyon na kalat sila sa mga gusali sa halos 30 ektaryang ari-ari-an.

Walang sisirain na mga historical na mga gusali, ayon kay Lambino.

“They would be retained they could be used. The Capitol building, of course heritage building, together with Malong and Palaris”.

Aniya ang mga manggagawa na hindi humaharap sa mga tao ay ililipat sa bagong capitol plaza.

Those making front office transactions meaning assistances, hiring, etcetera ere-retain pa rin sila sa easily accessible building”.

Ang mga mababakanteng gusali ay iaalok sa mga ibat-ibang national at regional na mga ahensya at departamento.

“They can be leased at or usufruct depende kung ano ang mapagusapan,” dagdag ng Bise Gobernador.

Ang upgrading at mga construction ng mga gusali sa Capitol Complex ay may pag-apruba na budget na P2.7 billion galing sa provincial government.

Bonifacio High Street.

Tama ba ako na oras na matapos ang twin-tower, as chain reaction dahil sa market forces, magsisidagsaan ang mga investors at magpapatayo na rin sila ng mga malls at iba pa  gaya sa Bonifacio High Street (BHS) ng Bonifacio Global City (BGC)? Hinahangaan ng writer na ito ang BHS pag siya’y napadpad sa Taguig City.

Ang Bonifacio High Street pala ay pag-aari ng Ayala Malls – isang real estate subsidiary ng Ayala Land.

Ang third block ng Ayala Malls ay tinatawag na Bonifacio High Street Central kung saan makikita ang mga pinaghalong open-air at indoor commercial buildings. May mga kahoy at konkretong lamesa at upuan din doon sa gilid at gitna ng mga well-manicured na mga damo kaya masarap mag kape at magkuentuhan sa barkada o magmuni-muni gaya ng ginawa ko noong nakaraang linggo habang humihigop ng mainit na Americano na brewed coffee galing Starbucks.  May mga state-of-the-art cinemas din doon.

Mini BHS sa Capitol Complex? Abangan!

No comments:

Post a Comment