Ni Mortz C. Ortigoza
LAOAG CITY – Halos dalawang dosenang mga alkalde sa Pangasinan ang nabiyayaan ng ambulansya o patient transport vehicles (PTVs) na galing kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. kamakailan dito sa Malacanang of the North.
PANGASINAN MAYORS are all smiles after they received recently in Ilocos Norte their ambulances and other projects from President Ferdinand R. Marcos, Jr. |
Kasama ito
sa 69 full-equipped ambulances na nagkakahalaga ng P146.28 million.
“These vehicles are vital
resources to support our heroes in the medical field – our first responders –
kasama diyan siyempre ‘yung ating mga healthcare workers, ngunit nangunguna
diyan talaga ang mga LGU,” ani Marcos.
Ang PTVs ay
galing sa Medical Transport Vehicle Donation Program (MTVDP) ng Philippines
Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Kabilang sa mga na nabiyayaan dito ay ang mga bayan ng Calasiao, Basista, Mangaldan, at Sta. Barbara.
CALASIAO
Ipinahayag ni Mayor Kevin Roy Q. Macanlalay ang lubos niyang pasasalamat kay President Marcos at sa PCSO sa bagong PTV.
BASISTA
Lubos din na nagpasalamat si Basista Mayor Jolly "JR" Resuello sa kay Marcos at Pangasinan 2nd District Congressman
Mark O. Cojuangco sa pagpursige ng huli na makabilang ang Basista na makatanggap
ng ambulansya.
“Walang sawang pasasalamat sa ating mahal na Presidente lalong lalo na sa ating napakasipag na 2nd District Cong. Mark O. Cojuangco sa pagiging tulay upang magpatuloy ang magandang serbisyo sa ating mga kababayan,” ani Mayor sa kanyang Facebook Account.
MANGALDAN
Ani Mayor
Bona Fe D. Parayno ng Mangaldan na lubos na nagpasasalamat ang kanyang mga
nasasakupan sa tuloy-tuloy na suportang ibinibigay ng tanggapan ng Pangulong
Marcos sa progresibong bayan niya.
“(G)aya ng Presidential
Assistance to Farmers, Fisherfolk and Families (PAFF) program ng kanyang
administrasyon na naggawad ng Php 10,000 na tulong-pinansyal sa higit 200
indigent na magsasaka sa bayan,” aniya.
Dagdag pa
ni Mayora na nakatanggap siya ng mga libreng abono at mga pananim sa ilalim ng
Handog ng Pangulo, Serbisyong Tapat para sa Lahat ni PBBM.
“Nawa’y patuloy na
pagpalain si Pangulong Bongbong Marcos ng magandang kalusugan at pangangatawan,
kaligayahan, at tagumpay sa kanyang pamumuno,” sambit ng alkalde.
STA. BARBARA
Pinablessing
kamakailan ni Mayor Carlito S. Zaplan ng Sta. Barbara ang ambulansya na
bigay ni Marcos at isang bagong police patrol car na donasyon ni Police Major
General Romeo “Bong” Caramat para sa kapulisan sa landlocked na bayan na ito.
Personal na
ibinigay ni Zaplan ang mga susi ng sasakyan sa mga kinauukulan na kung saan siya
mismo ang humiling sa PCSO at kay Caramat.
“Ingatan at alagaan po natin
ang ating mga bagong sasakyan para matagal nating magamit ang mga ito para sa
ating mga kababayan,” ani ng
Punong Tagapagpaganap”.
No comments:
Post a Comment