Ni Mortz C. Ortigoza
MANGALDAN, Pangasinan - Mariing pinabulaanan ng Alkalde dito sa thriving first class town na may loan sa bangko na P280 million ang local government unit (LGU).
MANGALDAN Mayor Bona Fe D. Parayno (center) exhorting her
department heads what should be the best services they can render to her
beloved Mangaldeneans. PIO- Mangaldan |
"Hindi
totoo iyan!" tugon ni Mayor Bona Fe D. Parayno noong kapanayamin siya
ng Northern Watch Newspaper sa kumakalat na mga black propaganda sa social
media na gawa ng mga trolls ng mga kalaban niya.
Ani ng isang department head na
ayaw magpabanggit ng pangalan na kung susumahin ay P250 million lang ang loan
na ni kontrata ng tatlong dumaang Alkalde dito.
Umutang sa banko si dating Mayor
Herminio Romero ng P60 million, Mayor Bona ng P40 million noong term niya noong
middle of 2010's, at Mayor Marilyn Lambino ng P150 million.
Ani Mayor Parayno bayad na iyong
utang ni Romero at noong unang term niya (Bona) na ginastos sa pampaganda at
konstruksyon ng palengke sa bayan. Kasalukuyan niyang binabayaran ang P150
million na loan ni Mayor Lambino.
"Actually
noong pag dating ko dito ako ang unang nagbayad doon sa loan nila (Lambino)
kasi meron silang nakuha sa bangko na in two years time babayaran kaya ako ang
unang nagbayad sa kanila," sambit ni Parayno na pumalit kay Lambino
noong June 30, 2022 noong talunin ng una sa rematch nila ang huli noong May 9,
2022 election.
No comments:
Post a Comment