Tuesday, September 10, 2024

Urdaneta City Mayor Kinasuhan sa Ombudsman

 

Ni Mortz C. Ortigoza

QUEZON CITY - Sinampahan na ng mga kasong criminal at administratibo sa Ombudsman noong Biyernes si Urdaneta City Mayor Rammy Parayno matapos niyang sampalin at puersahang kunin ang SD card ng video camera ng isang empleyado ng provincial government.

Kasama ni Parayno na hinabla ay ang apat na John Does.

 

LITIGANT. (Clockwise from left photo) Mayor Rammy Parayno, Complainant Jairus Bien Fernandez Sibayan, at Affidavit of Complaint of Sibayan at the Ombudsman.


Ang mga kasong criminal na inakyat ni Jairus Bien Fernandez Sibayan ay Slight Physical Injury, Robbery with Violation Against or Intimidation of Person, at Slander by Deed.

Ang mga nasabing mga kaso ay nasa Revised Penal Code of the Philippines kung saan may kanya kanyang mga multa at parusa ng pagkakulong.

Ang administratibo na habla ni Sibayan kay Parayno et al. ay Grave Misconduct, Grave Abuse of Authority, Conduct Unbecoming of Public Officer, Gross Immoral Conduct, at Conduct Prejudicial to the Interest of Public Services.

Ang mga kasong ito ay may kaukukulang preventive suspension, suspension, at pagkatanggal sa puesto.

Matatandaan na inulat ng writer na ito noong Agosto 12 na matapos ibigay ni Atty. Ronn Dale Beltran Castillo, Executive Assistant ni Governor Ramon V. Guico III, noong 8:30 ng umaga ng nasaning araw ang preventive suspension na pirmado ng gobernador kay Mayor Julio “Rammy” Parayno III ay gustong kunin ng huli dito ang camera ni Sibayan, 28, single, ng provincial information office (PIO) na nakabase sa Capitol Complex sa Lingayen, Pangasinan.

“However, the City Mayor got irked and then slapped Jairus Bien F. Sibayan on his right face, captured the camera and removed the SD card. PNP personnel deployed in the area immediately pacified the involved persons and then brought Jairus Bien F. Sibayan to Urdaneta District Hospital for medical examination and to Urdaneta City PS (police station) for proper disposition,“ saad ng isang parte ng police report na pinadala sa writer na ito ni Pangasinan Provincial Police Office Director Col. Jeff Fanged.

Sinabi rin sa report na “Physical Injury and Theft Incident” ang naging kaguluhan na gawa ni Parayno.

Ayon sa ibang source ay isinalaysay ni Sibayan na pumayag si Mayor na kunan ng video ang pagsilbi ng preventive suspension ngunit matapos matanggap ng huli ang three months’ suspension order, tinangka ng mga kasama nito na agawin ang kanyang Sony A9 camera. Noong ayaw ibigay ng batang camera man ang kanilang hiling, nayanig na lang siya sa lakas ng bagsak ng sampal ng maykaliitang si Parayno na nag-iwan ng namuong dugo sa kaliwang mata niya at nagdulot ng pasa sa mukha.

Kinuha ng mga kasama ni Parayno ang camera na pag-aari ng Lalawigan ng Pangasinan, inalis ang 64 GB secure digital card o SD card at binura ang mga larawan at video. Nasira rin ang rubber lens ng camera dahil sa agawan.

Ayon sa ulat ng isang reporter na malapit kay Parayno, mga konsehales daw ang tumulong na umagaw sa camera ng taga PIO. Kung totoo ito dapat magpakita si Parayno ng footages ng security camera niya sa opisina para mapasinungalingan si Sibayan na plano niyang idemanda rin.

UGAT NG BROUHAHA

Nag-ugat ang kaguluhan na ito noong magreklamo ang may ari ng REVM Tiposu Poultry Farm Inc. sa Anti-Red Tape (ARTA) sa Metro Manila ng pangaabuso at pangmamalabis ng alkalde sa aplikasyon niya para sa isang poultry house. Kasama rin sa kinasuhan ay sina One-Stop Chief Ronald San Juan at ang sanitary Inspector dito sa paglabag ng Republic Act 11032 o Act Promoting Ease of Doing Business and Efficient Delivery of Government Services, and Others.

Nang makitaan ng “substantial evidences” ng tatlong counts ng pang-aabuso ng tungkulin inirekomenda ng ARTA sa Blue Ribbon Committee ng Sangguniang Panlalawigan at sa kay Guico ang pagpataw ng preventive suspension na nakitaan ng tatlong buwang desisyon laban sa alkalde dito.

No comments:

Post a Comment