Ni Mortz C. Ortigoza
BASISTA, Pangasinan – Makakasagupa ng isang retiradong Army Heneral ang
batikang alkalde dito sa susunod na taong eleksyon para alkalde.
Ani Mayor Jolly “J.R” Resuello na makakalaban niya si dating army general Edgardo Palma sa darating na Mayo 12 eleksyon para sa pinakamataas na posisyon ng elektibo dito sa 13-barangay landlocked town.
Reeclectionist Basista Mayor J.R Resuello (kaliwa) at retired Army Gen. Edgardo Palma. |
“Bale retired general (Army)
Edgardo Palma ang kalaban ko tapos ang vice (mayor candidate) ko si Councilor
Jake Perez. Ang kalaban niya si former Coun. Edgardo Tagum,” sinabi niya noong tanungin ng Northern Watch
Newspaper sa pamamagitan ng Messenger kung sino ang makakalaban niya.
Si Palma ay nagtapos sa Philippines Military Academy “Sambisig” Class of
1991 at dating pinuno ng Office of the Strategic Studies and Strategy
Management sa Kampo Aguinaldo sa Quezon City.
Si Resuello naman ay dating Presidente ng Sanggunian Kabataan sa
lalawigan ng Pangasinan, ex officio member ng Sangguniang Panlalawigan, one
term councilor dito, one term vice mayor, at magtatapos sa kanyang two terms
(six years) sa pagiging alkalde sa Basista na umunlad noong nahalal siya noong
2019. Meron pa siyang isang termino na tatapusin pagnanalo siya sa kay Palma sa
May 12, 2025 eleksyon.
Si Tagum ay tinalo ni Resuello ng may 9,301 botos noong May 2022 eleksyon.
Ang resulta ng margin votes niya ay hango sa 21, 343 na bumuto noong panahon na
iyon.
Noong unang tumakbo sa pagka alkalde si Mayor J.R noong Mayo 2019 siya ay napalaban kena
dating Mayor Manolito de Leon at Joy Perez.
Tinalo sila ni Resuello ng 9,214 botos habang si De Leon at Perez ay
nakakuha lamang ng 8, 093 at 388 votes.
Si Resuello ay nakakabatang kapatid ni San Carlos City Mayor Julier” Ayoy”
at Vice Mayor Joseres ”Bogs” Resuello. Ang bayan na ito ay dating pinakamalaking
barangay ng San Carlos pero noong Mayo 8, 1967 sa pamamagitan ng Republic Act No.
4866 siya ay lubos na naging bayan.
Si J.R at ang kanyang ticket sa Nationalist People’s Coalition ay manok
ni Pangasinan 2nd District Cong. Mark O. Cojuangco.
No comments:
Post a Comment