Ni Mortz C. Ortigoza
Nababoy ni Actress Julian San Jose ang Katolikong simbahan noong kumanta siya ng "Dancing Queen" ng ABBA suot ang seksing damit niya kamakailan lang.
"You can dance, you can jive
Having the time of your life, ooh-ooh-ooh
See that girl, watch that sceneKahit anong sabihin ng promoter niya na hindi niya kasalanan
ang konsiyerto niya na ipinangalandakan
ng Sparkle GMA Artist Center sa social media na nag viral, ang backlash ng
galit ng Filipino ay kay Julian.
Her popularity stocks are surely affected.
Si actress Julian San Jose habang kumakanta ng "Dancing Queen" sa altar ng Nuestra Seรฑora del Pilar Parish Church sa Mindoro. Photo credit: Fashionpulis.com |
Ani sa excerpt ng news ng
Philippines Daily Inquirer: “Sparkle GMA Artist Center announced that it would
be taking full responsibility for Julian Anne San Jose, after the singer-actress
went viral for performing at the Nuestra Seรฑora del Pilar Parish Church in
Mindoro”.
Kahit ano pang damage control ang
gagawin ng GMA, damay si Julian sa pagbalahura sa kataimtiman at pagkasagrado ng
altar ng simbahan kung saan siya –suot ang sexy na damit na kita ang cleavage ng dalawang Mt. Hibokhibok niya at may hiwa pa na kita ang mala-labanos na binti niya -- ay masiglang
kumakanta at umiindayog.
Kung sa criminal case iyan ng
conspiracy, liable si Julian as principal by direct participation, si GMA as
principal by inducement, at ang Kura Paroko ng Nuestra Seรฑora del Pilar
Parish Church na si Father Carlito Meim Dimaano as principal by cooperation.
Pero walang criminal case dito
kundi administrative case na ipapatong ng liderato ng simbahang Katoliko para e-disiplina
iyong Pari na pumayag na mag pop music concert si Julian at ang GMA.
Ang nasabing konsiyerto ay dinumog ng mga batikos ng mga netizens sa social media.
Kung ako lang ang masusunod, e-demote
iyong Paroko at gawing Chaplain sa mga kulungan kung saan si Dooms Day Pastor,
alleged rapist, at Son of God Pastor Apollo Quiboloy, Pogo Queen Alice Guo, at
mga kriminal na may kasuklam-suklam na mga kaso ay na nakapiit ngayon sa Camp Crame, Quezon City.
No comments:
Post a Comment