Monday, October 14, 2024

“Binara” ni Guico ang Patutsada ni Espino sa VMP

 Ni Mortz C. Ortigoza

LINGAYEN, Pangasinan – Pinasinungalingan ni Pangasinan Gobernador Ramon “Monmon” V. Guico III si dating Pangasinan gobernador at dating kongresman Amado T. Espino, Jr. sa atake niya sa pagpalipat ng una sa Veterans Memorial Park (VMP) dito sa isang lokasyon na malapit sa dagat.

Pangasinan reelectionist Governor Ramon "Monmon" V. Guico III (left) and former governor and ex-congressman Amado T. Espino, Jr.

Ani Espino (kung saan ang anak nakapangalan niya ay bumabalik sa eleksyon pagka gobernador) na winasak at nilapastangan ni Guico ang VMP kung saan naka-display sa isang gusali ang mga memorabilia gaya ng mga dokumento, litrato, gamit, at iba pa noong dumaong at lumusong sa dagat si Supreme Commander Allied Forces in the Pacific Army Five-Star Gen. Douglas MacArthur kasama ang 203, 608 na mga Amerikano at allied forces para iligtas sa mapang-aping Imperial Japanese Armed Forces ang mga Filipino noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Ibang naka display doon ang isang naagaw na Mitsubishi Zero fighter plane ng Hapon, mga tanke ng Merkano at kanilang mga anti-aircraft guns.

Isa sila na nagbibigay atraksyon sa mga bisita na dumadayo sa stately na U.S constructed na Kapitolyo na ayon kay San Miguel Corporation President at Chief Executive Officer Ramon Ang ay “pinakamagandang Capitol" na nasilayan niya sa buong Pilipinas.

Kasama na rin dito ang pagwasak at paglapastangan ng Veterans Memorial Park na aking pinamamahalaan ang construction noong 1995 para sa 58th anniversary landing ng allied forces dito upang gunitain ang mga kabayanihan noong World War II at ang makasaysayang pagdating ni General MacArthur at ng allied forces upang palayain ang Luzon sa mga dayuhang mananakop. Ito’y pag-alaala sana taon-taon mula ng 58th diyan ng ating mga local heroes,” ani Espino noong press conference kasama ang anak na si dating Gob. Pogi at mga katicket niya sa pagka gobernador, at mga supporters nila sa pagtitipon sa Riverside Resort and Restaurant sa Bugallon town noong inanunsyo nila ang balak ni ex-Gob. Pogi na tumakbo laban kay Guico sa May 12 election.

AMERICAN CAESAR. Former Australian sailor David Henry Mattiske visits the MacArthur's Landing Memorial in Palo, Leyte. Those in the giant statues are American  Supreme Commander  Five-Star General Douglas MacArthur (2nd from left front row), Philippine Commonwealth President Sergio Osmena, Lieutenant General Richard Sutherland, Philippine Brigadier General Carlos P. Romulo, Major General Courtney Whitney, Sergeant Francisco Salveron, and CBS Radio’s Correspondent William J. Dunn. (Photo is internet grabbed)

Dagdag pa ng matandang Espino: “Balita ko wala na raw iyong mga building doon”.

“Binigwasan” naman ni Gob Monmon ang mga patutsada ng matanda noong sabihin niya na hindi binalahura ang Veterans Memorial Park bagkus ito’y inilipat sa mas malapit sa dagat at merong pag-apruba ito ng National Historical Commission (NHC).

“Humingi kami ng approval ng National Historical Commission kasi may marker doon e. Sabi namin iyang marker ng Lingayen Beach Landing ililipat natin mas malapit sa beach inland. Tapos iyong mga war memorabilia ipi-place natin ng maayos tapos magkakaroon pa rin ng Veterans Memorial Park kasi magkakaroon tayo ng mga public (display) doon depicting iyong paglanding po ni General Douglas MacArthur,” aniya sa mga reporters matapos siyang maghain ng kanyang certificate of candidacy (CoC) sa Commission on Election (Comelec) sa Dagupan City noong Oktubre Dos.

O ayan mga ripapeps, bukod sa may approval ng NHC, may budget na rin iyang VMC hango sa P3 bilyon na inaprobahan noong Setyember 2 ng Sangguniang Panlalawigan sa pangunguna ng idol at darling rin ng mga mediamen na si Vice Governor Mark Lambino.

Pangasinan reelective Governor Ramon V. Guico III and reelective Vice Governor Mark Ronald Lambino file this morning at the Commission on Election (Comelec) in Dagupan City their Certificate of Candidacy (CoC) for the May 12, 2025 Election.

Kasama ang VMC sa mga upgrading at mga construction ng mga gusali sa Capitol Complex na may P2.7 bilyon na budget.

Inilipat iyang Park para mapalapit sa dagat at mabigyan kahalagaan ang pagdaong at paglusong sa waist deep na dagat ni legendary Gen. MacArthur, “unanong” Filipino Heneral Carlos Romulo (mabuti di siya nalunod, hahaha!), at mga matataas na heneral ng Kano papunta sa Urduja House (residence of the governor) kung saan malapit lang ang beach.

Dahil lumawak na iyong lupain doon dahil sa accretion lumayo na ang beach sa VMC kaya tama lang na ilipat ni Guico ang gusali at park para lalong mabigyan ng dagdag halaga ang kasaysayan ng iconic na paglanding– kaya nga pinayagan siya ng NHC sa Meynila na gawin niya. Ano ba naman kayo ex –gob Espines?!

Dagdag paliwanag ni Vice Gov. Mark L.:

“Iyong Veterans (VMP) naman po kasi naipasa na po natin sa Historical Commission na ililipat natin siya sa mas appropriate na location which is even closer doon sa dagat po. Doon po itatayo ang bagong park kasama po iyon sa mga naging master plan para po diyan”.

Singit na tanong kanina ni Regional Examiner Editor Ruel Camba sa kay Lambino: “I heard my planong maglagay ng statues ng paglanding?”.

Sagot ni Vice Guv na kasama iyong mga rebulto sa pinag-aaralan simula doon sa Leyte Landing.

“Ilalagay iyong mural talaga pagtapak po ni General MacArthur dito sa Lingayen Gulf so pinag-aralan po”.

Hirit ng writer na ito sa Bise Gobernador: “Napuntahan ko na iyong MacArthur's Landing Memorial sa Leyte ang ganda anlaki ng mga estatwa”.

“Nadaanan ko rin iyan sa Palo, (Leyte)” aniya.

Sinabi ko sa kanya na sana gayahin ng Komisyon iyong mala higanteng mga tansong rebulto sa Leyte ng mga lumusong sa tubig na sina MacArthur, Philippine Commonwealth President Sergio Osmena, Lieutenant General Richard Sutherland, Philippine Brigadier General Romulo, Major General Courtney Whitney, Sergeant Francisco Salveron, at CBS Radio’s Correspondent William J. Dunn.

Mababasa niyo itong MacArthur's landing sa Leyte sa malawakang blog ko na may pamagat: LINGAYEN VS. LEYTE: Tourism War Looms on MacArthur Park. Mapapalaban lang po kayo sa pagbabasa doon dahil Inglis ang ginamit ko na salita, hehehe!

Ang tanong ko ngayon sa mga kritiko ng kasalukuyang administrasyon: Saan diyan ang pagwasak at pagsira ng VMC sa sinabi na mga pagpapabuti at pagpapaganda ng gobernador at ng bise gobernador?


No comments:

Post a Comment