Ni Mortz C.Ortigoza
MANGALDAN, Pangasinan – Pinasisinungalingan ng batikang alkalde dito ang kumakalat na blog na siya ay namamangka sa dalawang ilog.
ITINAAS ni Mangaldan Mayor Bonafe D. Parayno (kanan)
and kamay ni vice mayoralty candidate at lawyer-councilor Joseph Cera
pagkatapos nila maghain ng kanilang certificate of candidacy (CoC) noong ika-8
ng Oktubre sa Commission on Election sa nasabing bayan. |
Inalmahan ni Mayor
Bona Fe D. Parayno na kandidato niyang opisyal sa Mayo 12, 2025 eleksyon si
Councilor Johnny Cabrera matapos itaas ng mga ka-tiket niya ang dalawang kamay
niya noong surpresahin nilang bisitahin si Parayno sa kanyang opisina matapos
silang maghain ng certificate of candidacy (CoC) nila kamakailan lang.
Ang vice mayoralty tandem ni Parayno na kasama niyang naghain ng
certificate of candidacy (CoC) sa Commission on Eleksyon noong ika-8 ng Oktubre
ay si lawyer-councilor Joseph Cera.
“Syempre nag file sila Cabrera dumaan dito (Mayor's Office), nag courtesy call,
nagkatawanan: “O taas ng kamay!” o syempre tinaas ang kamay ko alangan naman na
birahin ko,” paliwanag ng alkalde ng isa sa pinakamayaman na
bayan sa 44 munisipyo sa Pangasinan.
Noong itanong ng
diyaryong ito kung sino ang opisyal na manok ng beteranong lady politician sa
pagka vice mayor, mariing sinabi niya:
“Si Cera!”
Sinabi ni Mayor Bona
na siya ang opisyal na kandidato dito ni Pangasinan Governor Ramon “Monmon” V.
Guico III sa nalalapit na eleksyon. Hindi lingid sa kaalaman ng mga botante ng
30 barangay na ito na may litrato si Mayora na tinaas ang kamay
niya ng gobernador para ipakita sa lahat.
Three - cornered mayoralty race sa Mangaldan kung saan si Parayno ay
makakalaban niya sina Vice Mayor Mark Stephen Mejia at dating alkalde Marilyn
Lambino.
Samantala, inihayag ni Mayor Parayno na ipagpapatuloy niya ang mga
mahahalagang proyekto sa edukasyon, kalusugan, at agrikultura.
“Looking forward on more of our
kabataan special education and the rest will be the same. We will serve our
people with dignity, respect, and transparency,” aniya sa wikang Inglis.
No comments:
Post a Comment