Tuesday, October 15, 2024

Resuello vs Heneral sa 2025

 

Ni Mortz C. Ortigoza

BASISTA, Pangasinan – Makakasagupa ng isang retiradong Army Heneral ang batikang alkalde dito sa susunod na taong eleksyon para alkalde.

Ani Mayor Jolly “J.R” Resuello na makakalaban niya si dating army general Edgardo Palma sa darating na Mayo 12 eleksyon para sa pinakamataas na posisyon ng elektibo dito sa 13-barangay landlocked town.

Reeclectionist Basista Mayor J.R Resuello (kaliwa) at retired Army Gen. Edgardo Palma.

“Bale retired general (Army) Edgardo Palma ang kalaban ko tapos ang vice (mayor candidate) ko si Councilor Jake Perez. Ang kalaban niya si former Coun. Edgardo Tagum,” sinabi niya noong tanungin ng Northern Watch Newspaper sa pamamagitan ng Messenger kung sino ang makakalaban niya.

Si Palma ay nagtapos sa Philippines Military Academy “Sambisig” Class of 1991 at dating pinuno ng Office of the Strategic Studies and Strategy Management sa Kampo Aguinaldo sa Quezon City.

Si Resuello naman ay dating Presidente ng Sanggunian Kabataan sa lalawigan ng Pangasinan, ex officio member ng Sangguniang Panlalawigan, one term councilor dito, one term vice mayor, at magtatapos sa kanyang two terms (six years) sa pagiging alkalde sa Basista na umunlad noong nahalal siya noong 2019. Meron pa siyang isang termino na tatapusin pagnanalo siya sa kay Palma sa May 12, 2025 eleksyon.

Si Tagum ay tinalo ni Resuello ng may 9,301 botos noong May 2022 eleksyon. Ang resulta ng margin votes niya ay hango sa 21, 343 na bumuto noong panahon na iyon.

Noong unang tumakbo sa pagka alkalde si Mayor J.R noong Mayo 2019 siya ay napalaban kena dating Mayor Manolito de Leon at Joy Perez.  Tinalo sila ni Resuello ng 9,214 botos habang si De Leon at Perez ay nakakuha lamang ng 8, 093 at 388 votes.

Si Resuello ay nakakabatang kapatid ni San Carlos City Mayor Julier” Ayoy” at Vice Mayor Joseres ”Bogs” Resuello. Ang bayan na ito ay dating pinakamalaking barangay ng San Carlos pero noong Mayo 8, 1967 sa pamamagitan ng Republic Act No. 4866 siya ay lubos na naging bayan.

Si J.R at ang kanyang ticket sa Nationalist People’s Coalition ay manok ni Pangasinan 2nd District Cong. Mark O. Cojuangco.

No comments:

Post a Comment