Kitz Basila
SUAL, PANGASINAN – NAGLAAN ng labin-limang milyong peso (P15 Million) para sa paunang gagawin sa pagpapatayo dito ng drug-rehabilitation facility.
Sa panukala ni Mayor Roberto ‘Bing’ Llamas Arcinue ay binigyan ng agaran at kaukulang pansin ng Sangguniang Bayan para ang P15 Million na paunang laan na pondo ay maaprubahan ng konseho na maisama sa 2017 budget para sa itatayong rehabilitation facility sa 120 hectare public land na bulubundukin sa barangay Victoria dito, ay agad na maisasakatuparan.
Katwiran ni Mayor Arcinue ay napapanahon na pangangailangan ang pag
kakaroon dito ng drug-rehabilitation facility. Maliban pa na ito ay alinsunod sa hangarin ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na mabigyan ng tugmang-lugar ang mga biktima ng iligal na droga para sa mithiin na maibalik sila sa kanilang pamilya at komunidad na matiwasay, malusog at kapakipakinabang.
Ayon pa kay Mayor Arcinue sa inilaan na sampung ektarya (10 ha) na drug-rehabilitation compound ay dito balak tayuan ng iba’t-ibang pasilidad at gusali.
“Ito ang aming positibong tugon sa krusada ni Pangulong Duterte na wakasan nang tuluyan ang paglaganap ng bawal na gamot,” layunin sa panukala na akda ni Mayor Bing Arcinue.
“Makabuluhan na pagkalinga sa mga kababayan na nalihis ang direksyon sa buhay dahil sa naging biktima ng iligal na droga,” diin ng alkalde na nasa ikalawang termino ng panunungkulan dito bilang chief executive ng bayang ito.
Thanks for this article very helpful. thanks. drug rehab
ReplyDelete