Monday, January 16, 2017

2017 na, ano ‘to sayo?


Ni Paquito Basila

TULAD sa turing ng mas nakararami, abay! dagdag taon na lilipas ang dumating na 2017.
Pero, ang tanong para sa ilan na pinapahalagahan ang bawat kabanata ng nagdaan at may pag-asa lagi na asam sa darating, ano nga ba ang pag-sapit ng bagong taon?Image result for 2017
Tanong nga, ano ang 2017 sa iyo?
Tiyak na samut-saring tugon. Pero, ang nakatutuwa ay karamihan tiyak ang taglay ay positibo na pananaw. Well, mas mainam nga raw ang positibo kaysa negatibo. Entonses, a typical damdamin ng masang Pilipino.
Saan patungo nga ba 2017?
Walang katiyakan na pupuntahan. Dahil panahon ang magtatakda sa mga bawat pangyayari. Ang anumang galaw o kilos ay naitadhana na mangyayari.
Ano ang dala ng taon 2017?
Ito ang paghandaan, na tulad sa nagdaan ay sandamakmak tiyak ang bubuyangyang na inaasahan o ika-bibigla. Basta, ang sadya ay inog ng tahak na bitbit ay dalahan na ikaw at ako ang paghahandugan.
Nakapapanabik na pag-aasam ng gustong-dulot na sana ay mas matiwasay, mahusay at makakayanan na mga yugto, bahagi at kalipunan ng pagdaanan na tatahakin.
Marapat na kakayanin na pagyamanin at tanggapin ang 2017 para sa maaliwalas, maayos at tigib sa pag-asa na laging una ang buhay na pananampalataya sa DIYOS na siya-lagi ang kasama.

No comments:

Post a Comment