BY KITZ BASILA
DRUG test, bawal frat at sorority, iwas barkada, don’t smoke nor drink wine or beer, ay ilan lamang sa teka-muna paalala na dapat umiral sa mga mag-aaral sa lahat ng antas.
Pero, sa bilang na sandamakmak na nabibiktima sa sex-capade na talamak, abay sa ulat ay pabata nang pabata ang edad na mula 15-below pa, ay naalarma bigla ang pamahalaan.
Dito, ayon sa DOH ay kailangan ang buklurang kilos para sawatahin ang dahilan ng paglobo ng HIV patients sa ating bansa.
Tugmang paggabay ng magulang at pangaral ng mga guro ay maiiwas ang mga kabataan sa sexually transmitted na sakit na HIV positive.
Tugmang paggabay ng magulang at pangaral ng mga guro ay maiiwas ang mga kabataan sa sexually transmitted na sakit na HIV positive.
Tutulong pa ang pamahalaan sa pagdaraos ng iba’t-ibang pamamaraan para mabigyan ng babala at tugmang kaalaman patungkol sa pag-iwas sa mga suliranin na dulot ng mapariwarang siste ng pagkikipagtalik (sex).
Opps, condom ipapamahagi sa mga mag-aaral, payag ka?
Well, kung ito ang isa sa mga pwedeng magsawata sa suliranin na bunga ng di-mapigilang init o nasa, abay! bakit hindi! Basta, pangunahan ng tugmang gabay at pangaral bago po ang pagbibigay ng Condom, nagkakaisang panukala ng mga ngayon pa lamang nabuksan ang tanto sa problema ng mga so-eager na mga tin-edyer. Susme!
Kabayan, pati na rin po ang mga di-maawat sa kasibaan na haling sa papalit-palit na katalik ay maseguro na ligtas dahil sa paggamit ng Condom.
Teka, mas mainam daw ang faithfully sa love and only-one sa buhay mo ay kasiping. Mas tanggap na, mas ligtas pa. (Kitz Basila)
No comments:
Post a Comment