Rep. Gina de Venecia (4th Dist,.Pangasinan) |
"Una sa lahat, ang aking taos-pusong pasasalamat sa buong police
force ng Dagupan City, dahil alam ko, na itinataya nyo ang inyong
buhay, at nagsisilbi kayo, even beyond the call of duty, masiguro lamang
na payapa at ligtas ang ating komunidad!
I understand na
pitong malalaking eskuwelahan ang direktang makikinabang sa community
precinct na ito ---ang Lyceum Northwestern University, ang Ednas School,
Mothergoose Playskool, ang La Sallette,
Dominican School, ang Dagupan City National High-School at ang La
Marian Academy.
Bilang nanay ng distrito, ngayon pa lang ay masaya na ako para sa ating
mga anak, dahil alam ko, na sa pamamagitan nitong bagong bukas na Police Community Precinct Number 8, at sa
pangangalaga ng mababait at mahuhusay nating Dagupan police, kahit paano’y may garantiya na ang kanilang kaligtasan.
Ang programa pong ito ay nabuo, mula sa mga sumbong na aking natanggap
mula sa mga abused victims ng The Haven for Women, na akin ding
itinatag for the rehabilitation of abused women, in Metro Manila at sa
labing-anim na rehiyon ng bansa.
Ang kanilang reklamo ng pang-aabuso ang nagtulak sa akin, para hilingin
kay Secretary Barbers na tugunan ang pangangailangan sa mga pulis, na
may wastong pagsasanay sa pag-iimbestiga sa mga gender-sensitive cases,
gaya ng rape. At nabuo na nga,
ang Women’s Desk na ngayon ay mas kilala bilang Women’s and
Children’s Desk.
Ang matagumpay na
proyektong yon, ay simula lamang ng aming pakikipagtulungan sa ating police force. In fact, isa sa huling
proyeto ng inyong Kuya Joe dito sa distrito, ay ang mismong Police Headquarters ng ating lungsod.
motorsiklo, sa bawat himpilan ng pulisya, hindi lamang sa Dagupan, kundi maging sa mga bayan ng Mangaldan, San Fabian, Manaoag, at Mangaldan.
Ang programang ito ay
bunsod ng trahedyang sinapit ni Kapitan Arsenio Bucao ng Barangay Tocok sa San Fabian, noong isang
taon. Ako ay kasama nya sa mga nakikipagsaya sa Barangay Night ng San Fabian, nang sya ay barilin. Sa kasamaang
palad, nakatakas ang kriminal dahil walang motorsiklo ang pulis, na kayang makipaghabulan,
kahit sa gitna ng maraming tao.
Kaya para pa-igtingin
ang kakayahan ng ating mga pulis na tugisin ang mga nagkasala kahit sa mataas na
bundok, naglaan po ako ng pondo para makabili ng mga motorsiklong de- kalibre. Ito ay ipinapa-bid na ngayon, at maibibigay na sa inyo, a few weeks from now.
KUNG IISIPIN, parang kailan lang nang ang barangay Tapuac at ang buong
Dagupan ay mistulang war zone matapos wasakin ng napakalakas na 1990 earthquake. Pero dahil sa sipag ng mga Dagupenyo, sa
pagsisikap ng mga educators at business sector, at sa tulong ng inyong
Kuya Joe --- na sumulat ng batas at lumikom ng pondo, para muling maitayo ang
Dagupan, heto at naging mas maganda pa ang ating bayan kaysa dati.
Gayunman, hindi pa rin tayo puwedeng maging kampante. Katunayan, ang
bagyong Pepeng noong 2009 ay isang eye opener para sa akin, dahil doon
ko nakita, na sa panahon pala ng baha, ang lahat ng kalsada sa buong Dagupan ay
lubog sa tubig.
Katunayan, ang kaisa-isang kalsada na nagsilbing lifeline ng
Dagupan para marating ang ibang bayan, ay ang De Venecia bridge and hi-way
na ipinagawa rin ng inyong Kuya Joe. Kung wala po ‘yon, tuluyan nang nawala sa ruta ng komersiyo at kalakalan ang
Dagupan.
Ito ang dahilan, kaya ipinangako ko sa aking sarili, na gagawin ang
lahat, para mai-ayos ang ating mga pangunahing kalsada. Hindi po nyo
naitatanong, ang kongresista ay may awtoridad na magsabi sa DPWH kung
anong mga proyekto ang dapat gawing prayoridad. At ilan sa aking priority projects ang
anim na road and drainage projects ng ating bayan.
Una rito ang natapos nang kalsada at drainage system sa Bonuan Gueset, worth 45 million.
Pangalawa ang construction at rehabilitation ng drainage
sa Arellano- Bani, pati na ang concreting
of road shoulder mula sa Dawel hanggang Tanap bridge, worth P18.5 million.
Ito ay matatapos na sa Hunyo.
motorsiklo, sa bawat
himpilan ng pulisya, hindi lamang sa Dagupan, kundi maging sa mga bayan ng
Mangaldan, San Fabian, Manaoag, at Mangaldan.
Ang programang ito ay
bunsod ng trahedyang sinapit ni Kapitan Arsenio Bucao ng Barangay Tocok sa San Fabian, noong isang
taon. Ako ay kasama nya sa mga nakikipagsaya sa Barangay Night ng San Fabian, nang sya ay barilin. Sa kasamaang
palad, nakatakas ang kriminal dahil walang motorsiklo ang pulis, na kayang makipaghabulan,
kahit sa gitna ng maraming tao.
Kaya para pa-igtingin
ang kakayahan ng ating mga pulis na tugisin ang mga nagkasala kahit sa mataas na
bundok, naglaan po ako ng pondo para makabili ng mga motorsiklong de- kalibre. Ito ay ipinapa-bid na ngayon, at maibibigay na sa inyo, a few weeks from now.
KUNG IISIPIN, parang kailan lang nang ang barangay Tapuac at ang buong
Dagupan ay mistulang war zone matapos wasakin ng napakalakas na 1990 earthquake. Pero dahil sa sipag ng mga Dagupenyo, sa
pagsisikap ng mga educators at business sector, at sa tulong ng inyong
Kuya Joe --- na sumulat ng batas at lumikom ng pondo, para muling maitayo ang
Dagupan, heto at naging mas maganda pa ang ating bayan kaysa dati.
Ang pangatlo ay
ang raising
of grade at construction ng drainage
ng Mayombo, mula sa junction ng Perez Boulevard
hanggang sa Villaflor hospital.
Worth 47 million po ito, at
nakatakdang matapos, isang buwan at kalahati, mula ngayon.
Ang pang-apat ay ang raising of grade at rehabilitation ng drainage ng
Tapuac section, mula sa Trauma Hospital
hanggang sa junction ng Amado Street, worth 16.5 million, at
nakatakdang matapos, dalawang buwan mula ngayon.
Ang pang-lima ay ang raising of grade at ang drainage ng buong Lucao section, mula sa junction ng old De
Venecia Hi-way hanggang sa junction
ng bagong De Venecia hi- way, worth 20
million. Ito ay sisimulan na ngayong Mayo.
At ang pang-anim---
ang raising
of grade at drainage ng Jose de
Venecia Hi-way, na nagkakahalaga ng 45 million, na sisimulan na rin ngayong
buwan.
SA BANDANG HULI, isa pong karangalan para sa
akin ang kayo’y paglingkuran. At asahan
nyo, na kami ng inyong Kuya Joe, ay lagi nyong kaagapay, bilang Arkitekto ng
Modernong Dagupan.
No comments:
Post a Comment