Sunday, May 20, 2012

Manay Gina lays new projects in Pangasinan

Rep. Gina de Venecia (4th Dist,.Pangasinan)
"Una sa lahat, ang aking taos-pusong pasasalamat sa buong police force ng Dagupan City, dahil alam ko, na itinataya nyo ang inyong buhay, at nagsisilbi kayo, even beyond the call of duty, masiguro lamang na payapa at ligtas ang ating komunidad!

I understand na pitong malalaking eskuwelahan ang direktang makikinabang sa community precinct na ito ---ang Lyceum Northwestern University, ang Ednas School, Mothergoose Playskool, ang  La Sallette, Dominican School, ang Dagupan City National High-School at ang La Marian Academy.

Bilang nanay ng distrito, ngayon pa lang ay masaya na ako para sa ating mga anak, dahil alam ko, na sa pamamagitan nitong bagong bukas na Police Community Precinct Number 8, at sa pangangalaga ng mababait at mahuhusay nating Dagupan police, kahit paano’y may garantiya na ang kanilang kaligtasan.

Alam po ninyo, hindi ito ang unang pakikipagtulungan ko sa ating police force. Katunayan, noong February 15, 1997, ako, bilang pangulo ng Congressional Spouses Foundation,  at ang noo’y DILG Secretary, the late Senator Robert Barbers,  ang dalawang principal signatories sa isang Memorandum of Agreement para maitatag ang Women’s Desk sa lahat ng police precincts sa ating bansa.

Ang programa pong ito ay nabuo, mula sa mga sumbong na aking natanggap mula sa mga abused victims ng The Haven for Women, na akin ding itinatag for the rehabilitation of abused women, in Metro Manila at sa labing-anim na rehiyon ng bansa.

Ang kanilang reklamo ng pang-aabuso ang nagtulak sa akin, para hilingin kay Secretary Barbers na tugunan ang pangangailangan sa mga pulis, na may wastong pagsasanay sa pag-iimbestiga sa mga gender-sensitive cases, gaya ng rape.  At nabuo na nga, ang Women’s Desk na ngayon ay mas kilala bilang Women’s and Children’s Desk.

Ang matagumpay na proyektong yon, ay simula lamang ng aming pakikipagtulungan sa ating police force. In fact, isa sa huling proyeto ng inyong Kuya Joe dito sa distrito, ay ang mismong Police Headquarters ng ating lungsod.

Samantala, ilang linggo mula ngayon, ako ay nakatakdang magbigay ng dalawang de-kalibreng

motorsiklo, sa bawat himpilan ng pulisya, hindi lamang sa Dagupan, kundi maging sa mga bayan ng Mangaldan, San Fabian, Manaoag, at Mangaldan.

Ang programang ito ay bunsod ng trahedyang sinapit ni Kapitan Arsenio Bucao ng  Barangay Tocok sa San Fabian, noong isang taon. Ako ay kasama nya sa mga nakikipagsaya sa Barangay Night ng San Fabian, nang sya ay barilin. Sa kasamaang palad, nakatakas ang kriminal dahil walang motorsiklo ang pulis, na kayang makipaghabulan, kahit sa gitna ng maraming tao.
 
Kaya para pa-igtingin ang kakayahan ng ating mga pulis na tugisin ang mga nagkasala kahit sa mataas na bundok, naglaan po ako ng pondo para makabili ng mga motorsiklong de- kalibre.  Ito ay ipinapa-bid na ngayon, at maibibigay na sa inyo, a few weeks from now.

KUNG IISIPIN, parang kailan lang nang ang barangay Tapuac at ang buong Dagupan ay mistulang war zone matapos wasakin ng napakalakas na 1990 earthquake.  Pero dahil sa sipag ng mga Dagupenyo, sa pagsisikap ng mga educators at business sector, at sa tulong ng inyong Kuya Joe --- na sumulat ng batas at lumikom ng pondo, para muling maitayo ang Dagupan, heto at naging mas maganda pa ang ating bayan kaysa dati.
Gayunman, hindi pa rin tayo puwedeng maging kampante. Katunayan, ang bagyong Pepeng noong 2009 ay isang eye opener para sa akin, dahil doon ko nakita, na sa panahon pala ng baha, ang lahat ng kalsada sa buong Dagupan ay lubog sa tubig.



Katunayan, ang kaisa-isang kalsada na nagsilbing lifeline ng Dagupan para marating ang ibang bayan, ay ang De Venecia bridge and hi-way na ipinagawa rin ng inyong Kuya Joe. Kung wala po ‘yon, tuluyan nang  nawala sa ruta ng komersiyo at kalakalan ang Dagupan.



Ito ang dahilan, kaya ipinangako ko sa aking sarili, na gagawin ang lahat, para mai-ayos ang ating mga pangunahing kalsada. Hindi po nyo naitatanong, ang kongresista ay may awtoridad na magsabi sa DPWH kung anong mga proyekto ang dapat gawing prayoridad.  At ilan sa aking priority projects ang anim na road and drainage projects ng ating bayan.



  Una rito ang natapos nang kalsada at drainage system sa Bonuan Gueset, worth 45 million. 



Pangalawa ang construction at rehabilitation ng drainage sa Arellano- Bani, pati na ang concreting of road shoulder mula sa Dawel hanggang Tanap bridge, worth  P18.5 million. Ito ay matatapos na sa Hunyo.

motorsiklo, sa bawat himpilan ng pulisya, hindi lamang sa Dagupan, kundi maging sa mga bayan ng Mangaldan, San Fabian, Manaoag, at Mangaldan.

Ang programang ito ay bunsod ng trahedyang sinapit ni Kapitan Arsenio Bucao ng  Barangay Tocok sa San Fabian, noong isang taon. Ako ay kasama nya sa mga nakikipagsaya sa Barangay Night ng San Fabian, nang sya ay barilin. Sa kasamaang palad, nakatakas ang kriminal dahil walang motorsiklo ang pulis, na kayang makipaghabulan, kahit sa gitna ng maraming tao.
 
Kaya para pa-igtingin ang kakayahan ng ating mga pulis na tugisin ang mga nagkasala kahit sa mataas na bundok, naglaan po ako ng pondo para makabili ng mga motorsiklong de- kalibre.  Ito ay ipinapa-bid na ngayon, at maibibigay na sa inyo, a few weeks from now.

KUNG IISIPIN, parang kailan lang nang ang barangay Tapuac at ang buong Dagupan ay mistulang war zone matapos wasakin ng napakalakas na 1990 earthquake.  Pero dahil sa sipag ng mga Dagupenyo, sa pagsisikap ng mga educators at business sector, at sa tulong ng inyong Kuya Joe --- na sumulat ng batas at lumikom ng pondo, para muling maitayo ang Dagupan, heto at naging mas maganda pa ang ating bayan kaysa dati. 

Ang pangatlo ay ang  raising of grade at construction ng drainage ng Mayombo, mula sa  junction ng Perez Boulevard hanggang sa  Villaflor hospital.  Worth  47 million po ito, at nakatakdang matapos, isang buwan at kalahati, mula ngayon.



Ang pang-apat ay ang raising of grade at rehabilitation ng drainage ng Tapuac section, mula sa Trauma Hospital hanggang sa junction ng Amado Street, worth 16.5 million, at nakatakdang matapos, dalawang buwan mula ngayon.



Ang pang-lima ay ang raising of grade at ang drainage ng buong Lucao section, mula sa junction ng old De Venecia Hi-way hanggang sa  junction ng bagong De Venecia hi- way, worth 20 million. Ito ay sisimulan na ngayong Mayo.



At ang pang-anim--- ang  raising of grade at drainage ng Jose de Venecia Hi-way, na nagkakahalaga ng 45 million, na sisimulan na rin ngayong buwan.



 SA BANDANG HULI, isa pong karangalan para sa akin ang kayo’y paglingkuran.  At asahan nyo, na kami ng inyong Kuya Joe, ay lagi nyong kaagapay, bilang Arkitekto ng Modernong Dagupan.


Balbaleg ya salamat ed sikayon amin! Mabuhay ang Dagupan!


No comments:

Post a Comment