Tuesday, September 24, 2024

Resuello Iniwanan si Arenas, Sumanib na kay Guico

 

        Ni Mortz C. Ortigoza


SAN CARLOS CITY, Pangasinan – Matapos ang matagal at mahirap na pagmumuni-imuni, tuluyan nang iniwanan ng alkalde dito si incumbent 3rd District Cong. Ma. Rachel Arenas noong sumanib siya sa partido ng gobernador ng Pangasinan.

DEFECT. San Carlos City Mayor Julier "Ayoy" Resuello (left photo) deserted his 3rd District Cong. Maria Rachel Arenas when he took his oath of office to the party of Pangasinan Governor Ramon Guico III.


Sa mga larawan na nakapost sa Facebook Page ni Mayor Julier “Ayoy” Resuello noong Martes ng hapon makikitang siya ay nanumpa kasama ang kapatid niyang si Vice Mayor  Joseres Resuello sa gobernador ng Pangasinan sa Conference Hall ng Urduja House sa Capitol Complex sa Lingayen bilang miyembro ng Nationalista Party.

       Ang “oath taking” ng alkalde ng isa sa pinakamalaking siyudad (86 barangays at merong 205,424 population (2020 Census) ) sa Region -1 ay lalong nagpalakas sa puwersang pulitika ni Guico at ng kanyang magiging congressman sa dambuhalang limang bayan at isang siyudad na Tersero Distrito matapos manumpa ang limang alkalde sa kanya.

        Ayon sa mga haka-haka si Police Major Gen. Romeo “Bong” Caramat, Jr. ang napupusuan ng gobernador na sumabak kay Arenas sa Mayo 12, 2025 eleksyon. Si Caramat ay mag reretiro na sa Octubre 2 ngayong taon matapos maabot niya ang mandatory retirement age sa police na 56 years old.

     Noong Agosto, nanumpa sa kay Guico sina Calasiao Mayor Kevin Roy Macanlalay, Calasiao Liga ng mga Barangay President Patrick Caramat – ang halos unopposed mayoralty bet sa Mayo 2025, Sta. Barbara Mayor Lito Zaplan, Vice Mayor Roger Navarro at karamihan ng mga Konsehales nila, Malasiqui Mayor Noel Geslani at Vice Mayor Alfie Soriano, at Mapandan Mayor Karl Christian Vega.

VICTORY SIGN. San Carlos Mayor Julier Resuello and Vice Mayor and Vice Mayor Joseres Resuello (extreme left and right) flash the victory sign with Pangasinan Governor Ramon V. Guico III when the duo take their oath with Guico as new members of the Nationalista Party at the Conference Hall of Urduja House at the Capitol Complex in Lingayen.

 “Sila (Bayambang) Mayor Nina Jose-Quiambao at dating Mayor Cezar Quiambao ay original na na Nationalista,” ayon sa source na malapit sa   gobernador sa writer na ito.

    Dating magkasangga at magkapartido sa Lakas-Christian Muslim Democrats  CMD) si Mayor Resuello at Rep. Arenas. Ang huli ay lider ng partido sa distrito.
   

    Si Sta. Barbara Mayor Zaplan naman ay beteranong “Praetorian Guard” o   “Gate  Keeper” ng mga Espino sa 29-barangay na first class landlocked  first   class town noong namamayagpag pa sila dating Gobernador Amado T. Espino,  Jr. at anak at kapangalan niyang si Pogi sa provincial government. Kasama si   Zaplan sa partidong API nila Espino kung saan naipanalo ng matandang Espino  ang partylist na API rin noong nakaraang eleksyon. Nawala sa sirkulasyon ng  provincial and national politics ang mga Espino matapos lupigin ni Guico si Pogi  at talunin ni Cojuangco sa pagka kongresman si dating 2nd District Rep. Jumel  Espino noong May 9, 2022 election.

   Si Guico, Cojuangco, 1st District Rep. Art Celeste, at si billionaire businessman Cezar T. Quiambao ang naging quartet sa pagkalusaw ng di matibagtibag na   pamilyang Espino na 1.5 dekada na hinawakan nila ang Pangasinan.

 Napapabalita, gayunpaman, na gustong makipagsalpukan uli ni dating  gobernador Pogi Espino kay Guico sa susunod na taong  eleksyon. Malalaman natin itong umiikot na mga haka-haka pagdating ng filing ng certificate of candidacy (CoC) sa Oktubre 1 to 8.
 

San Carlos Mayor Julier Resuello and his wannabe candidates for the May 12, 2025 election pose for posterity at the facade of the Urduja House at the Capitol Complex in Lingayen.

 Sila Mayors Zaplan, Geslani, at Vega ay mga kapartido sa API O Abante  Pangasinan ni dating Governor Espino III at ng ama nito noong May 9, 2022  election.


   Si Resuello at  Councilor Lester Soriano – na makakatungali ni Resuelo sa  pagka-alkalde dito ay nasa API rin noong nasabing eleksyon.

   Isang matalinong desisyon ang ginawa ni Resuello dahil pag hindi siya sumali sa Nationalista malamang na si Soriano ang maging benepisyaryo ng suporta ng bilyunaryong si Quiambao at ni Guico na merong well-oiled political machine sa electoral derby sa Mayo 12. Ang lupit, lula, at hagupit ng makinang iyan ay napatunayan na noong 2022.

    Subukan niyong itanong sa mga Espino.

No comments:

Post a Comment