Friday, November 8, 2024

Top 9 ang Basista sa “Most Resilient” sa Pinas

Ni Mortz C. Ortigoza

CANDON CITY – Nasungkit na naman ng Bayan ng Basista sa Pangasinan ang Top 10 sa buong Pilipinas bilang No. 9 sa pagiging mapagkumpitensya sa pamamagitan ng “resiliency” o katatagan sa pagnenegosyo.


Sa isang parangal na pinamumunuan ng Department of Trade and Industry na ginanap dito, hindi lang nabigyan ng pagiging Top 9 sa 3rd-4th Class Municipalities ang bayan na ito sa ilalim ng mabisang pumumuno ni Mayor Jolly R. Resuello ngunit ito ay No. 3 sa buong Rehiyon Uno sa pagiging “Resilient” sa ilalim ng 2024 Cities and Municipalities Index (CMMI) survey.

Ayon sa plaka ng pagpapahalaga na ibinigay ng DTI Region-1: “In recognition of their exemplary performances in the conduct of the 2024 Cities and Municipalities and Competitiveness Index Survey. Given this 6th day of November 2024 at the Fiesta Hiraya Rimat ti Amianan – Rambak ti Laing ken Talugading ti Rehiyon Uno, Candon City, Ilocos Sur”.

Ito ay nilagdaan ni DTI Region -1 Director Atty. Raymond G. Panhon.

 Noong isang taon, sinabi ni Mayor Resuello sa Northern Watch Newspaper na ang bayan niya ay humakot na ng sampung national at regional awards sa “exemplary performances in governance”.

Binanggit niya ang national awards na Seal of Good Local Governance (SGLG) – binansagan na gold standard sa lahat ng parangal sa buong bansa – na galing sa Department of Interior & Local Government, Seal of Child Friendly Local Governance (SCFLG), 2022 Regional Anti - Drug-Abuse Council (ADAC) galing sa DILG, Performance Awards Gawad Kalasag galing sa National Disaster Coordinating Council (NDCC), No. 8 in Region-1 for the Subaybayani 2022, Peace & Order Council (POC) na galing sa DILG, No.3 nationally on the 2022 Cities and Municipalities Competitiveness Index (CMCI) ng DTI, at ng Seal of Good Financial Housekeeping (SGFH).

No comments:

Post a Comment