Ni Mortz C. Ortigoza
SAN CARLOS CITY, Pangasinan – Matapos ang matagal at mahirap na pagmumuni-imuni, tuluyan nang iniwanan ng alkalde dito si
incumbent 3rd District Cong. Ma. Rachel Arenas noong sumanib siya sa partido ng
gobernador ng Pangasinan.
Sa mga larawan na nakapost sa Facebook Page ni Mayor Julier “Ayoy” Resuello
noong Martes ng hapon makikitang siya ay nanumpa kasama ang kapatid niyang si
Vice Mayor Joseres Resuello sa
gobernador ng Pangasinan sa Conference Hall ng Urduja House sa Capitol Complex
sa Lingayen bilang miyembro ng Nationalista Party.
Ang “oath taking” ng alkalde ng isa sa pinakamalaking siyudad (86 barangays at
merong 205,424
population (2020 Census) ) sa Region -1 ay lalong nagpalakas sa puwersang pulitika
ni Guico at ng kanyang magiging congressman sa dambuhalang limang bayan at isang
siyudad na Tersero Distrito matapos manumpa ang limang alkalde sa kanya.
Ayon sa mga haka-haka si Police Major Gen. Romeo “Bong” Caramat, Jr. ang
napupusuan ng gobernador na sumabak kay Arenas sa Mayo 12, 2025 eleksyon. Si Caramat
ay mag reretiro na sa Octubre 2 ngayong taon matapos maabot niya ang mandatory
retirement age sa police na 56 years old.
Noong Agosto, nanumpa sa kay Guico sina Calasiao Mayor Kevin Roy Macanlalay, Calasiao Liga ng mga Barangay President Patrick Caramat – ang halos unopposed mayoralty bet sa Mayo 2025, Sta. Barbara Mayor Lito Zaplan, Vice Mayor Roger Navarro at karamihan ng mga Konsehales nila, Malasiqui Mayor Noel Geslani at Vice Mayor Alfie Soriano, at Mapandan Mayor Karl Christian Vega.
“Sila (Bayambang) Mayor Nina
Jose-Quiambao at dating Mayor Cezar Quiambao ay original na na Nationalista,”
ayon sa source na malapit sa gobernador sa writer na ito.
Dating magkasangga at magkapartido sa Lakas-Christian Muslim Democrats CMD) si
Mayor Resuello at Rep. Arenas. Ang huli ay lider ng partido sa distrito.
Si Sta. Barbara Mayor Zaplan naman ay beteranong “Praetorian Guard” o “Gate Keeper” ng mga Espino sa 29-barangay na first class landlocked first class town noong namamayagpag pa sila dating Gobernador Amado T. Espino, Jr. at anak at kapangalan niyang si Pogi sa provincial government. Kasama si Zaplan sa partidong API nila Espino kung saan naipanalo ng matandang Espino ang partylist na API rin noong nakaraang eleksyon. Nawala sa sirkulasyon ng provincial and national politics ang mga Espino matapos lupigin ni Guico si Pogi at talunin ni Cojuangco sa pagka kongresman si dating 2nd District Rep. Jumel Espino noong May 9, 2022 election.
Si Guico, Cojuangco, 1st District Rep. Art Celeste, at si billionaire businessman Cezar T. Quiambao ang naging quartet sa pagkalusaw ng di matibagtibag na pamilyang Espino na 1.5 dekada na hinawakan nila ang Pangasinan.
Napapabalita, gayunpaman, na gustong makipagsalpukan uli ni dating gobernador
Pogi Espino kay Guico sa susunod na taong
eleksyon. Malalaman natin itong umiikot na mga haka-haka pagdating ng
filing ng certificate of candidacy (CoC) sa Oktubre 1 to 8.
San Carlos Mayor Julier Resuello and his wannabe candidates for the May 12, 2025 election pose for posterity at the facade of the Urduja House at the Capitol Complex in Lingayen. |
Sila Mayors Zaplan, Geslani, at Vega ay mga kapartido sa API O Abante Pangasinan ni dating Governor Espino III at ng ama nito noong May 9, 2022 election.
Si Resuello at Councilor Lester Soriano –
na makakatungali ni Resuelo sa pagka-alkalde dito ay nasa API rin noong
nasabing eleksyon.
Isang matalinong desisyon ang ginawa ni
Resuello dahil pag hindi siya sumali sa Nationalista malamang na si Soriano ang
maging benepisyaryo ng suporta ng bilyunaryong si Quiambao at ni Guico na
merong well-oiled political machine sa electoral derby sa Mayo 12. Ang lupit,
lula, at hagupit ng makinang iyan ay napatunayan na noong 2022.
Subukan niyong itanong sa mga Espino.
No comments:
Post a Comment