Friday, August 23, 2024

Mali ang mga Banat ng mga Kritiko ni Guico

 Ni Mortz C. Ortigoza, MPA

Napapailing ako sa kababawan sa pagkumentaryo nitong mga writers at radio announcers na bumagsak daw ang competitiveness ng Province of Pangasinan sa Cities and Municipalities Competitiveness Index (CMMI) at inili-link na salarin ang pamunuan ni Governor Monmon Guico.

Teka, paano nasali ang kakayahan ni Guico sa pagbagsak ng ekonomiya ng probinsiya? E ang pangalan ng pansukat ng Department of Trade & Industry ay “Cities and Municipalities Competitiveness Index” - wala akong nakita na “provincial government” o “province” sa pamagat?

PANGASINAN Gov. Ramon "Monmon" Guico III (left, photo) and former Pangasinan Gov. Amado "Pogi" Espino III.

Ito ang pagpapakila ng CMMI sa kanilang oufit:  

-It is an annual ranking of Philippines cities and municipalities;

- The overall competitiveness score is the sum of scores on five main pillars. They are economic dynamism, government efficiency, infrastructure, resiliency, and innovation. Scores are determined by the values of the actual data, as well as the completeness of the submitted data. The higher the score of a city or municipality, the more competitive it is.

                                                               MGA HALIMBAWA

Dahil nag-aaway ang oposisyon na majority na mambabatas at pro-administrasyon na minority na mambabastos, este, mambabatas sa ilalim ni Mayor Belen T. Fernandez ng Dagupan City at dahil si Mayor ay naki-ayon sa Department of Public Works & Highway (DPWH) na bungkalin ang mga kalsada at gawin singtaas ng entablado ng boxing na naging dahilan na kumunti ang tumatangkilik sa mga negosyante doon kaya bumagsak ang ekonomiya sa nakalipas na dalawang taon ng second class na siyudad ayon sa hepe ng BIR, kasalanan ba ito ni Gobernador na humina ang isa o dalawang pillars ng CMMI?

Kasama ang Dagupan sa CMMI kahit na independent component city ang paluging siyudad na ang mga botante ay di sumasali sa eleksyon ng gobernador at mga miyembro ng provincial lawmaking body.

Dahil natupok ng apoy ang malaking parte ng palengke ng San Carlos City dahil iisa lang ang fire truck na tumulong, hihina ang koleksyon ng second class city sa taong ito. kasalanan ba ng provincial government iyong pagbaba ng kuleksyon niya?

Ganoon din sa 44 na bayan na nasa ilalim ng provincial government.

Walang saysay iyong 2023 ranking ng DTI at CMMI na No. 32 at 52 si Pangasinan at si Cebu (isa sa pinakamayaman na probinsya sa Pinas) sa ranking dahil nakabase ang galing niya sa performances ng local government units niya.

Provincial rankings are based on population and income weighted average of the Overall scores of cities and municipalities,” ani ng bahagi ng pagpapakilala ng CMMI.

COA ANG TAMANG BATAYAN

Ang maasahan na basehan ay ang Report of the Commission on Audit (COA) na nagpapakita na ang nangunguna sa 10 Richest Provinces of the Philippines ay si Cebu na may asset na P235.738 billion noong taong 2022. Si Pangasinan ay nasa No. 16 na may asset na P15.9 billion. Walumpudalawa (82) ang dami ng probinsya sa Pilipinas.

Pakinggan ang sinabi ni Cebu Governor Gwendolyn Garcia kung paano mapanatili ng administrasyon niya ang No. 1 Ranking ng Cebu sa 2024 COA report. Tumaas ng P309 billion ang asset ng Cebu noong December 31, 2023, aniya sa State of Province Address (SOPA) niya. Tumaas ito ng P74 billion kumpara noong 2022. Ang buwis na nakulekta ng provincial government, ani Garcia, ay tumaas ng P1.1 billion o 77 porsiyento kumpara noong 2022 na P181.9 billion noong 2023.

Tingnan dito sa ilalim kung paano pinataas ni Guico ang koleksyon pinansyal ng lalawigan.

Kamakailan 40,000 sako o dalawang milyong kilo ng Agricultural Grade Salt Fertilizer (AGSF) ang binili ng supplier ng Philippine Coconut Authority (PCA) mula sa Pangasinan Salt Center sa Barangay Zaragosa, Bolinao, Pangasinan.

Iyong banat ng mga kritiko na nalulugi ang 14 ospitals ng Kapitolyo, ito ang sinabi ng gobernador sa mga reporters matapos pinasinayaan ng provincial government si 2024 Miss World Multinational Philippines Ms. Nikki Buenafesa sa Sison Auditorium sa Lingayen noong Hulyo 29.

‘Of course mas efficient ang management of our hospitals (inaudible) koleksyon natin from PhilHealth we have to impose our administrative function like the filing of our PhilHealth claim once we impose that mas malaki ang papasok. Kasi dati iyong (hospitals) nagbibigay ng malaking pagkalugi pero ngayon we are focusing on better hospital services at the same time efficient collection kaya na tatarget po natin ngayon ang koleksyon target natin”.  

Bukod sa kikitain ng Kapitol sa bayad ng PhilHealth sa mga ospitals, nakikita ng mga dalubhasa na makakakulekta sa pagitan ng P200 million at P300 million ngayon taon sa quarry. Noong huling taon ni Governor Amado “Pogi” Espino III (first semester) nasa P12 million lamang ang kuleksyon ng provincial government sa quarry sa kabuunan ng 2022.

Galing sa budget na P5.7 billion ngayon taon, layunin ng Guicio Administration ang P7 billion budget ng provincial government sa 2025.

SEAL OF GOOD LOCAL GOVERNANCE, MAY SILBI PA BA?

Doon naman sa banat ng mga kritiko na nabigo si Kapitolyo na manalo noong nakalipas na taon sa Seal of Good Local Governance (SGLG).

Ito ang sinulat ko na may pamagat Gold Standard’s SGLG, Pala-os na Ba?” (January 17, 2024 P’nan News) na hindi na rin praktikal na basehan ang SGLG dahil 28 ang nanalo sa 82 probinsiya sa buong bansa. Hindi ko pa sinasabi dito ang dami ng di sumasali sa mga bayan at siyudad.

“Nakausap ko ang isang mataas na opisyal ng lalawigan (province) na kaya nilang manalo ng SGLG pero pinili nilang di na tugunan ang mga kinakailangan para sila ay mabigyan ng Gold Standard.

“Ito ang seven governance areas needed na dapat makamit bago manalo: Financial Administration; Disaster Preparedness; Social Protection; Peace and Order; Business Friendliness and Competitiveness; Environmental Protection; and Tourism, Culture and the Arts.

Tingnan ninyo ang requirement sa Disaster Preparedness, dapat 70% ng 5% (ayon sa sinasaad ng Local Government Code) na budget kada taon sa kaban ay dapat tuparin,” ani ng mataas na opisyal sa akin.

“Ang 5% ng isang probinsiya na merong P5 billion na annual budget ay P250 million. Ang 70% niyan na kailangan gastusin sa Calamity Fund or Local Disaster Risk Reduction and Management Fund (LDRRMF) ay P175 million.

“Ilan ang award pag nanalo ang isang province sa SGLG? P4 million, sobrang barya lamang! Talo ang kaban ng P171 million!

“Iyang mga concern na iyan na dapat bilhin o gastusan ay training, life-saving rescue equipment gaya ng life jackets, speed boat, vehicles, others.

“Taon taon ay dapat mabili o magawa iyang mga nakasaad sa sinulat ko sa itaas. Paano kung noong taong 2019, 2020 at 2021 ay nakabili na ng life jackets, speed boat, vehicles?

  “Di ba extravagance at duplicity na sila? Baka malunod ang mga taga LGUs sa dami ng mga gamit na iyon na sinasayang lang, hahaha!”

No comments:

Post a Comment