Ni Mortz C. Ortigoza
BINMALEY, Pangasinan – Pinabulaanan ng Bise Alkalde ng first class coastal town na ito ang akusasyon sa kanya noong harapang ipamukha ng isang mambabatas dito ang mga ilegal na kontrata na pinasok niya.
FEUDING.
Binmaley Vice Mayor Simplicio “Sammy” Rosario (left photo and clockwise), Liga
ng Barangay President and Councilor Butch Merrera and Mayor Pedro “Pete”
Merrera.
“Doon sa sinabi ng government procurement (hindi)
bawal e ang elective official can participate sa bidding ng government agency.
Exempt kung ikaw ay mayor o may participation ka sa bidding procedure. Kasi naka
kontrata ka pondo ng munisipyo ng Binmaley di puede iyan. Pondo ng school board
di rin ako puede diyan basta ang implementing agency diyan ang LGU, iyong mayor
ako wala ako diyan. Iyan ang conflict of interest nakalagay diyan,” sagot ni Vice Mayor Simplicio “Sammy” Rosario sa Northern Watch Newspaper kamakailan nang kapayanamin siya sa reaksyon niya noong
akusahan siya ni Barangay Liga President at Ex. Officio Councilor Butch Merrera
sa Sanggunian Bayan sa isang session nila.
Pumutok ang butse ni Merrera noong mag-privilege
speech si Rosario na binatikos na hindi nilagyan ng mga mayoryang mga
konsehales -- na mga kakampi ng kapatid niyang si Mayor Pedro Merrera – ng pondo
ang materials recovery facility (MRF) dito kaya patuloy pa rin ang problema sa
basura. Ani Merrera hintayin na lang ni Rosario na manalo siya sa susunod na
eleksyon kung saan doon siya magreklamo.
Si Rosario ay dating isang dekada at kalahating alkalde dito at dahil sa alitan nila ni Mayor Merrera – na tumalo sa anak
niyang si Jonas noong May 2022 mayorship election - humantong sa palitan ng mga asunto sa
Sanggunian Panlalawigan at sa Ombudsman ng dalawang pinakamataas na elective
opisyal dito.
Nagpahayag si Rosario noong nakalipas na mga
buwan na babawiin niya ang “trono” sa bayan na ito kay Merrera sa darating na
May 12, 2025 election.
Masasakit at mabibigat na mga salita at akusasyon ang mga binitawan
ni Councilor Merrera matapos mag privilege speech ang Bise Alkalde.
“Iyong mga kontrata ninyo na P170 million that’s
conflict of interest, you know that? Iyong kontrata ninyo na P150 million, that’s
conflict of interest, you know that? Iyong kontrata ninyo diyan sa (Barangay)
Nagpalangan that’s a conflict of interest. Kumukontrata kayo, vice mayor kayo!
Kumokontrata kayo mayor kayo, that’s conflict of interest!” batikos sa kanya ni Councilor Merrera sa loob ng Sanggunian.
Pinabulaanan ni Rosario na ang contract firm na Jojalyn – kung saan siya ang may-ari – ay may nilabag na mga batas.
Aniya ilang floors ng seven storeys
na building sa Region-1 Medical Center (R-1MC) sa Dagupan City na kanyang
ginagawa ay hindi na saklaw ng kanyang opisina kaya walang paglabag sa Government
Procurement Reform Act at iba pang batas sa Pilipinas.
Nakasaad sa NPA No. 061-2017 ng Government
Procurement Policy Board Technical Support Office na ibinigay sa diyaryong
ito ni Rosario na: “As a general rule an
entity owned and/or managed by an elective official can participate in
the procurement oppurtunities of government provided that it complies with all
the requirements prescribed under the 2016 revised Implementing Rules and Regulations
(IRR) of Republic Act No. 9184 or Government Procurement Reform Act”.
Binanatan din ni Rosario si Konsehal
Merrera sa mga akusasyon niya noong may interbyu siya ng Northern Watch Newspaper.
“May
kontrata kasi ako e. Siguro baka naiingit siya sa Dagupan. Bakit siya naiingit?
Di mangontrata rin sila mangontrata rin siya sumama siya sa bidding kung meron
siyang lisensya,” jabbed ni Rosario kay Merrera.
No comments:
Post a Comment