Thursday, May 1, 2025

Reflecting Pool! Saan na ang Dugyot na Sinasabi ng mga Taga Espino?

Ni Mortz C. Ortigoza
Tingnan ninyo ngayon mga taga Pangasinan ang P100 million Reflecting Pool (susunod na ang Interactive Fountain diyan) sa harap ng Kapitolyo ng provincial government sa Lingayen, Pangasinan.
O ang ganda di ba? Noong isang taon pinutakte ng banat ng mga kritiko na kakampi nila ex gobernador Amado Ama at Pogi Anak na naging dugyot o madumi na daw ang Kapitolyo dahil may mga kahoy na pinutol at mga debris ng construction at binalahura ang Veterans Memorial Park (VMP) ni Gobernador Monmon Guico.

Nasaan na ang dugyot (o “damak” kung sa Ilonggo pa, hahaha!) diyan? Siguradong dadagsain ng mga turista ang reflecting pool gaya sa 24 million na turista na pumupunta kada taon sa reflecting pool at Washington Memorial sa Washington D.C, Estado Unidos.
Hindi pa kaya ng mga Espino ang utak ni Guico kung paano humikayat ng turismo sa Pangasinan kung saan ang mga ito ay gagastos na maging multiplier effect sa kita ng mga tao sa lalawigan.
Sinabi ni Gobernador na maging atraksyon ang reflecting pool at interactive fountain dahil sa kanilang likas na ganda kung saan sumasalamin ang paglubog ng araw sa tubig sa strip niya.


“Tingnan ninyo nag reflect siya o’? Lahat iyan tubig. O, napakaganda! Talagang na achieve e, pinag-aralan talaga iyan ano ang lalim niya,” may pagkamanghang sinabi ni Guico sa mga reporters sa sidelines ng 80th Lingayen Gulf Landings at 18th Pangasinan Veterans Day noong ika-9 ng Enero na ginanap sa Capitol Beach Park dito.

Ang reflecting pool sa Lincoln Memorial sa Washington, USA ay dinadagsa ng 24 milyon katao kada taon na bumibisita sa National Mall dahil sa angking ganda niya. Doon makikita ang mga nakalinya na mga naglalakihang mga kahoy na nagbibigay lilim sa dalawang panig ng strip, ang Washington Monument, at ang malawak na kalangitan doon.
May mga kahoy na itatanim din diyan sa gilid ng pool gaya sa USA.
“This project holds significant relevance to our celebration, as it includes the construction of a reflective pool at the rear center of the Capitol building. Additionally, on the north side of the development near the beach, the Veterans Plaza will feature fountains and monuments to honor the sacrifices of our Filipino veterans,” ani Guico.
Wala pa diyan ang bagong Veterans Memorial Park (VMP) na nilait ni Matandang Espino noong isang taon. Makita ninyo na walang basehan ang banat ni ex -Guv pag tumayo na iyang bagong VMP dahil ma wa-wide eye na naman ang mga taga Pangasinan niyan.
“Kasama na rin dito ang pagwasak at paglapastangan ng Veterans Memorial Park na aking pinamamahalaan ang construction noong 1995 para sa 58th anniversary landing ng allied forces dito upang gunitain ang mga kabayanihan noong World War II at ang makasaysayang pagdating ni General MacArthur at ng allied forces upang palayain ang Luzon sa mga dayuhang mananakop. Ito’y pag-alaala sana taon-taon mula ng 58th diyan ng ating mga local heroes,” ani Espino noong press conference kasama ang anak na si dating Gob. Pogi at mga katicket niya sa pagka gobernador, at mga supporters nila sa pagtitipon sa Riverside Resort and Restaurant sa Bugallon town noong inanunsyo nila ang balak ni ex-Gob. Pogi na tumakbo laban kay Guico sa May 12 election.
Dagdag pa ng matandang Espino: “Balita ko wala na raw iyong mga building doon”.

“Binigwasan” naman ni Gob Monmon ang mga patutsada ng matanda noong sabihin niya na hindi sinalaula ang VMP bagkus ito’y inilipat sa mas malapit sa dagat at merong pag-apruba ito ng National Historical Commission (NHC).
“Humingi kami ng approval ng National Historical Commission kasi may marker doon e. Sabi namin iyang marker ng Lingayen Beach Landing ililipat natin mas malapit sa beach inland. Tapos iyong mga war memorabilia ipi-place natin ng maayos tapos magkakaroon pa rin ng Veterans Memorial Park kasi magkakaroon tayo ng mga public (display) doon depicting iyong paglanding po ni General Douglas MacArthur,” aniya sa mga reporters matapos siyang maghain ng kanyang certificate of candidacy (CoC) sa Commission on Election (Comelec) sa Dagupan City noong Oktubre Dos.

O ayan mga ripapeps, bukod sa may approval ng NHC, may budget na rin iyang VMC hango sa P3 bilyon na inaprobahan noong Setyember 2 ng Sangguniang Panlalawigan sa pangunguna ng idol at darling rin ng mga mediamen na si Vice Governor Mark Lambino na nag bibirthday ngayong araw.
Happy Beer Day, Vice Guv! Sana kasama ang Monday Group diyan, hahaha!
Kasama ang VMC sa mga upgrading at mga construction ng mga gusali sa Capitol Complex na may P2.7 bilyon na budget.

(Last photo is the reflecting pool at the Washington Memorial in the U.S. Photos credit to Joey Olimpo)

No comments:

Post a Comment