Saturday, April 26, 2025

Matatalo ka sa Vote Buyer Kahit Panalo ka sa Survey

Ni Mortz C. Ortigoza, MPA

Paksa namin ng kausap ko kanina ay tungkol sa lumabas na scientific survey sa eleksyon pang bayan at lungsod.

“Iyong kebegan kong tumatakbong konsehal pasok sa top 10 sa survey ng lungsod. Nasa itaas siya,” ani kausap ko.


Aniko di basehan iyang survey kasi wala pang perang sangkot diyan.

Oras na makatangap sila ng kulay pula (P50) o mauve o violet na bill (P100) umiiba na ang iboboto nila dahil nalason na ng pera ang kagustuhan nila,” paliwanag ko.

Naalaala ko ang isang guwapong tumatakbong konsehales na tinitilian ng mga kababaihan sa mga barangay dahil mukhang artista (isa siyang modelo sa Meynila). Sa survey isang buwan bago mag eleksyon sa lungsod, iyong P2 milyon na ibinigay ng multi-milyonaryong kandidatong alkalde ay hindi niya ginasto. Ang prinsipyo niya at ng mga kamag anak niya, wag mo nang ipamudmod sa mga botante iyan dahil shoo-in ka na. Mantakin niyo No.1 sa sampung mananalo! Pero ang resulta, ayon pinulot sa kangkongan si guapo. Talo dahil abala ang mga botante habang pinipili nila ang mga iboboto nila sa presinto ng Comelec sa mga kandidatong nagbigay ng pera sa kanila. Nakalimutan na nila si Guapo, anak ng bakang dalaga!

“Naalaala ko pa ang sinabi ninyo sa akin mahigit isang dekada na ang nakalipas. Kahit nagbigay ng yero o tubo (para sa tubig) iyong kandidatong pagka mayor sa unang first year sa three years’ term niya sa isang pamilya na mahirap pero sa gabi bago mag eleksyon ay nagbigay ang kalaban ng P300 sa pakurong (vote buying in Pangasinan) kada bobotante, matatalo iyong nagbigay ng yero o tubo ng tubig kahit mahal ang presyo ng mga iyon,” sabi ko kay Sta. Barbara reelectionist mayor Lito Zaplan noong nakaraang linggo nang dumaan ako sa bahay niya.

Napangiti si mayor noong sinabi kong kasali itong Psychology of Recency Effect sa binebenta kong libro sa online na may titulong “Paano Manalo sa Eleksyon” kung saan halos lahat ng tsubibong ilegal sa eleksyon ay nakasulat doon. Galing sa mga pulitiko din  -- from the horse's mouth - iyong mga pinagsusulat ko doon.

Bakit napangiti si Zaplan – isang beteranong ‘battle scarred” na pulitiko sa lalawigan? E galing sa kanya iyong ni quote kong Pschology of the Yero and Tubo. Gospel Truth? Bahala na kayo dear readers gumawa ng konklusyon ninyo.

Balik tayo doon sa kausap ko sa survey sa isang lungsod. Aniko, kahit iyong pagtakbo sa pagiging konsehal ay kelangan mo ng milyon-milyong pesos para manalo.

Kung ang botante dito ay 150, 000 ang dami, kelangan mo bilhin ang 117, 000 o 90, 000 (80 to 60 percent dahil customarily ang 20 percent di bumoboto). Kung tag P50 ang budget ng kandidato kelangan niya ng P5, 850, 000 (sa 80 percent) o P4, 500, 000 (sa 60 percent).

Sabi ni Ome Cuaton - tumatakbong konsehal sa Dagupan City -- ang ideal na campaign kitty ng tumatakbo sa pagiging councilor ay P8 milyon dapat.

Napa "oo" naman si lady broadcaster Minnie Castro Alcaide dahil hindi lang sa eve ng eleksyon gumagastos ang kandidato. Ito ay gumagastos na nang ilang buwan bago mag eleksyon.

Pssst! Ang sahod ng konsehal sa second class city na ito ay mahigit P100, 000 kada buwan.

Ang pagtakbo sa pulitika –isali mo na diyan ang mga barangay kapitan – ay laro ng mga may mga pera tulad ng negosyante, bagong retiro (na ipupusta ang retirement benefit na milyon), negosyante, at mga galing abroad.

 “Totoo iyan. Iyong apo ng dating alklade dito natalo noong nakaraang eleksyon kasama sa talo niya iyong pagbenta niya ng Toyota Fortuner niya na wala ring nagawa sa mga kalaban na may mas maraming pera,” ani kausap ko.

Tumatakbo uli ang apo ngayon. Pag nanalo o natalo ito di lang natin alam kong magkano ang mga inutang niya sa thankless job na ito na ang sahod ay di rin lahat mapupunta sa kanya kung hindi sa mga indigents na araw at gabi na peperwisyuhin siya sa ayuda.

Tumatakbo na naman iyong ibang mga apo ng mga mayor namayapa na. Mga apo at mga anak ng mga dating alkalde sa lungsod na ito ay tumatakbo rin banking sa illustrious na pangalan ng mga lolo nila. Pero nawalan na ng “kamandag” iyang mga apelyido na dinadala nila dahil papel galing sa Bangko Sentral na ang nangingibabaw kung paano manalo sa karera ngayon.

 

Iglesia ni Cristo’s Factor

Sabi ng mataas na provincial official habang kahuntahan ko sa opisina niya kamakailan, pag ang isang kandidato ay nakuha niya ang endorsement ng block voting Iglesia ni Cristo, puede na siyang magkampante.

Mantakin mo kung sampung libo ang botante ng Iglesia, iyong kandidato may siguradong sampung libo na siya na kahit hindi niya bibilhin sa kanya na iyon,” ani Mr. High Official.

Aniya, iyong kongresman na tumatakbong mayor ngayon delikado iyon dahil pumirma siya sa Article of Impeachment kontra kay Vice President Sara Duterte. Nakikinita niya ang INC ay susuporta kontra doon sa mga pumirma kahit tumakbo pa siya sa ibang pusisyon.

“Kung may tatlong libong Iglesia sa bayan na iyon, talo na siya ng tatlong libo”.

Hindi sikat na kongresman ang tinutukoy ko dito dahil hindi marunong makipagdebate. Isa siya sa mga tinuturing kong Clowngresman sa Pinas.

No comments:

Post a Comment