Ni Mortz Ortigoza
Ang matriarch ng makapangyarihang pamilyang political sa isang congressional district sa Pangasinan ay nakipagsanib pwersa na kay Governor Ramon V. Guico III para sa susunod na taong eleksyon.
POLITICAL ALLIANCE. Pangasinan Governor Ramon Guico III raises
the hand of former Pangasinan 4th District Cong. Gina de Venecia for the political alliance they formed. De
Venecia will be reclaiming her old post on the May 12, 2025 election after her son
Cong. Christropher de Venecia will finish his three-term or nine years in
office on June 30, 2025.
Ani Guico na nakipagpulong sa kanya si dating Pangasinan 4th
District Cong. Gina de Venecia kung saan ang huli ay magiging kasapi na ng
Alyansang Aguila. Ang alyansa na kinabibilangan ni Guico, Vice Governor Mark Ronald
Lambino, 1st District Rep. Art Celeste, 2nd District Rep.
Mark Cojuangco, 4th District Rep. Christopher de Venecia, 5th
District Rep. Monching Guico, at Department of Agrarian Reform Secretary
Conrad Estrella ay namamayagpag sa koridor ng kapangyarihan sa dambuhalang
probinsiya.
“Nakasama namin sa pagpupulong
ang aking ama, si 5th District Congressman Ramon “Monching” Guico Jr., upang lalong
pagtibayin ang alyansa sa pagitan ng mga de Venecia at Aguila,” ani ng Gobernador.
Si De Venecia – mas kilala sa tawag na Manay Gina - ay maybahay ni former
Five-Time Speaker of the House of Representatives Jose de Venecia at ina ni incumbent
4th District Rep. Chistopher.
Ang mga De Venecia ay matagal ng kasanib pwersa sa pulitika ni dating
Gobernador Amado Espino, Jr. at dating Gobernador Pogi Espino. Ang huli ay
tinalo ni Guico noong May 9, 2022 election.
Si Pogi ay nakikita ng mga political observers na lalaban uli sa pagka
gobernador sa kay Guico sa susunod na taong eleksyon.
Ang pagsama ni dating Congresswoman De Venecia ay lalong magpapalakas sa
Alyansang Aguila at maging kawalan lalo sa mga Espino dahil ang mga alkalde ng
mga bayan ng Mangaldan, San Fabian, San Jacinto, at Manaoag kung saan ang
katapatan nila ay sa mga De Venecia ay siguradong kasama na rin ng Aguila.
Bukod sa bayan ng Bautista at Bugallon at siyudad ng Urdaneta, lahat ng
alkalde sa two cities at forty-two towns ay susuporta kay Guico sa susunod na
taong eleksyon.
Kamakailan nakikita sa social media na ang lima sa anim na alkalde ng
Pangasinan 3rd District – pinakamalaking distrito sa anim na
distritong probinsiya – ay kasama na ni Guico sa Partidong Nationalista niya. Sila
ay sina Bayambang Mayor Mary Clare
Judith Phyllis Jose Quiambao, Sta. Barbara Mayor Carlito Zaplan, Calasiao Mayor
Kevin Roy Macanlalay, Mapandan Mayor Karl Christian Vega, at Malasiqui Mayor
Noel Geslani.
No comments:
Post a Comment