Saturday, August 3, 2024

5 Mayors ng 3rd Cong. Dist. Kay Guico Na

 

Ni Mortz C. Ortigoza

LINGAYEN, Pangasinan - Lima sa mga alkalde ng Pangasinan sa 3rd Congressional District ay nasa partido na ni Gobernador Ramon V. Guico III kung saan nanumpa sila kamakailan sa kanyang Nationalista Party. Ang oath taking ceremony sa karamihan ng lima ay pinangunahan mismo dito ng batang gobernador.

MEMBERS of the Nationalista – the party of Pangasinan Governor Ramon V. Guico III. From top left photo and clockwise: Malasiqui Mayor Noel Geslani, Bayambang Mayor Mary Clare Judith Phyllis Jose Quiambao, Sta. Barbara Mayor Carlito Zaplan, Mapandan Mayor Karl Christian Vega, and Calasiao Mayor Kevin Roy Macanlalay.

Ayon sa source ng Northern Watch Newspaper na isang mataas na opisyal sa limang bayan at isang siyudad na distrito,  ang mga personalidad na ito ay sumampa na sa barko ni Guico noong magtipon-tipon sila Conference Hall ng Urduja House sa Capitol Complex dito. Sila ay sina Calasiao Mayor Kevin Roy Macanlalay, Calasiao Liga ng mga Barangay President Patrick Caramat, Sta. Barbara Mayor Lito Zaplan, Vice Mayor Roger Navarro at karamihan ng mga Konsehales nila, Malasiqui Mayor Noel Geslani at Vice Mayor Alfie Soriano, at Mapandan Mayor Karl Christian Vega.

“Sila (Bayambang) Mayor Nina Jose-Quiambao at dating Mayor Cezar Quiambao ay original na na Nationalista,” ayon sa source sa 3rd Congressional District – ang pinaka vote-rich sa anim na distrito ng dambuhalang probinsiya ng Pangasinan.

Noong tinanong ng diyaryong ito bakit si Mayor Ayoy Resuello ay hindi pa lumilipat sa partido ng gobernador, ani ng source: “Sa ngayon wala pa pero susuporta naman siya sa kay Governor sa susunod na eleksyon”.

Pangasinan Governor Ramon V. Guico III (3rd from left, photo) officiates the oath of Malasiqui Vice Mayor Alfie Soriano and Mayor Noel Geslani (1st and 2nd from left, photo) at the Conference Hall of the Urduja House at the Capitol Complex in Lingayen, Pangasinan while 3rd District Board Member (BM) Dr. Shiela Marie Baniqued and Liga ng mga Barangay President and BM Raul Sabangan look on. Sta. Barbara PIO


Pati raw ang magiging katungali ni Resuello sa pagka alkalde ng 86 barangays na siyudad na si Councilor Lester Soriano ay gustong sumuporta kay Guico may kalaban man o wala sa May 12, 2025 election.

“Baka sa NPC (Nationalist People’s Coalition) sumama si Lester dahil partido iyan ni (Pangasinan 2nd District Cong. Mark) Cojuangco. Baka alukin siya ni Cong. Mark dahil may di pagkakaintindihan si Congressman kay Mayor Ayoy noong 2022 eleksyon,” ani ng source na malapit sa gobernador

Magkaibigan at magkasangga si Mayor Ayoy at 3rd District Cong. Maria Rachel Arenas. Ang huli ay miyembro ng Lakas- Christian Muslim Democrats (CMD) at lider ng partido sa distrito.

Sinabi ni Resuello sa isang panayam na kahit tumakbo si dating CIDG Major General Romeo Caramat laban kay Arenas hindi siya sasama kay Caramat kasi siya ay partyman. Aniya, hindi siya maging balakid sa San Carlos sa intensyon ng Heneral sa congressional office.

Halos lahat ng mga alkalde sa Ikatlong Distrito ay susuporta kay Caramat oras na itapon niya ang kanyang sombrero sa parating na electoral derby.

Ani Zaplan noong nakipagkita siya kay Gobernador at sa ama niyang si 5th District Cong. Monching Guico sa opisina ni Mayor Ramon Ronald Guico IV sa Binalonan tinanong siya ng gobernador kung sasama siya  sa partido niya sa Nationalista o sa Lakas-CMD kung saan tagapangulo si Cong. Monching sa Pangasinan.

Pangasinan Governor Ramon V. Guico III (8th from left, photo), Vice Governor Mark Ronald Lambino (6th from left), Sta. Barbara Mayor Lito Zaplan (7th from left) and the members of the municipal lawmaking body of Sta. Barbara flash a victory sign after the governor officiated their oath as a newly minted member of the Nationalista Party - the party of Guico. It was held at the Conference Hall of the Urduja House at the Capitol Complex in Lingayen. Board Member (BM) Dr. Shiela Marie Baniqued and Liga ng mga Barangay President and BM Raul Sabangan (2nd and 1st from right, respectively) attended the oath taking. Sta. Barbara PIO


“Pinili ko ang Nationalista,” sambit ni Zaplan sa writer na ito.

Ani ng taga Munisipyo ng Sta. Barbara ayaw ni Zaplan na pumunta sa Lakas dahil ayaw niyang mapasailalim kay Arenas na pinuno ng Lakas sa 3rd District.

Kamakailan lumabas sa ibang online news outlet na ibinunyag ni Zaplan si Department of Public Works and Highway Region-1 Director Ronnel Tan na  binawasan ng 20 percent o P10 millon ang P50 million na project niya sa Agno River Basin Flood Control Project - Construction of Flood Control Structure sa Barangay Erfe sa Santa Barbara na ibinigay sa kanya ni DPWH Secretary Manuel Bonoan.

“Lagay daw. Porsiyento daw ‘yon. Pinapabawas niya ‘yong 20 percent para kay Congresswoman daw," ani Zaplan.

Plano ng Alkalde na idemanda si Tan.

Si Zaplan ay beteranong “Praetorian Guard” o “Gate Keeper” ng mga Espino sa 29-barangay na first class landlocked town noong namamayagpag pa sila dating Gobernador Amado T. Espino, Jr at anak at namesake niyang si Pogi sa provincial government. Kasama si Zaplan sa partidong API nila Espino kung saan naipanalo ng matandang Espino ang partylist na API rin noong nakaraang eleksyon. Nawala sa sirkulasyon ng provincial and national politics ang mga Espino matapos lupigin ni Guico si Pogi at talunin ni Cojuangco sa pagka kongresman si dating 2nd District Rep. Jumel Espino noong May 9, 2022 election.

Si Guico, Cojuangco, 1st District Rep. Art Celeste, at si billionaire businessman Cezar T. Quiambao ang naging quartet sa pagkalusaw ng di matibagtibag na pamilyang Espino na 1.5 dekada na hinawakan ang Pangasinan.

Sila Mayors Zaplan, Geslani, at Vega ay mga kapartido sa API O Abante Pangasinan ni dating Governor Espino III at ng ama noong May 9, 2022 election.

Si Resuello at Soriano ay nasa API rin noong nasabing eleksyon.

Abangan ang pagsampa ng mga ibang alkalde sa iba't ibang distrito ng probinsya sa bandwagon ni Guico sa darating na mga araw.

Malamang maging aping-api ang API pagkaramihan na sa mga alkalde sa forty-four towns at three cities (di kasali si independent component city Dagupan) na probinsiya ay sumampa na sa barkong Nationalista ni Guico.

No comments:

Post a Comment