Thursday, August 1, 2024

Pagsuot ng High-Visibility Reflective Vest Ipinag-utos

 Ipinag-uutos ng ordinansa ang pagsusuot ng high-visibility reflective vest, luminous-colored garments at paglalagay ng pailaw mula alas-sais ng gabi hanggang alas-sais ng umaga.

Saklaw ng ordinansang ito ang lahat ng drivers at riders ng motorsiklo, tricycle, bisikleta, e-bike, at e-trike.
Ang sinumang lalabag sa ordinansang ito ay paparusahan o pagmumultahin gaya ng sumusunod:



1. First Offense Warning
2. Second Offense P1,000 fine
3.Third Offense P2,000 fine
4.Fourth Offense P5,000 fine and/or imprisonment of not more than 1 year at the discretion of the court.
Si 4th District Board Member Jerry Agerico Rosario ang pangunahing may akda ng ordinansa. Ayon sa kanya, nasa dalawang katao ang namamatay sa vehicular accident sa Pangasinan kada-araw. Karamihan ay kinasasangkutan ng mga motorcycle riders .(PIMRO)

No comments:

Post a Comment