Sunday, August 18, 2024

NO WAY!

 

              Mahigpit na Tugon ni Sen. Imee sa mga De Venecias

By Mortz C. Ortigoza

SAN FABIAN, Pangasinan – “No way!” Iyan ang mariin na sinabi ni Senator Imee Marcos kung paano niya tinanggihan ang intensyon ng mga De Venecia na makipagbati sa kanya at sa Pangulo ng Pilipinas.

“Five times na lumapit sa amin, no way!” salaysay ni Vice Mayor Constante “Danny” Baterina Agbayani sa manunulat na ito ang sinabi sa kanya ng Senadora, “Hindi namin hinarap: No way! No Way!”.

 STERN LOOKING Senator Imee Marcos (left photo and clockwise), former Pangasinan 4th District Cong. Gina de Venecia and former Health Secretary Francisco Duque III.


Si Senator Imee ay nakakatandang kapatid ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. habang ang mga De Venecias ay binubuo nila dating Five-Time Speaker Joe de Venecia, dating Pangasinan 4th District Cong. Gina “Manay” de Venecia, at Pangasinan 4th District Rep. Christopher “Toff” de Venecia.

Hindi pa rin makakalimutan ng mga Marcoses kung paano dinala sa Pangasinan ni dating Congresswoman Manay si 2022 presidential candidate Leni Robredo na kaparehas niyang Bicolana.

Tinalo ni ngayong President Marcos si Robredo ng may 16, 594, 010 botong agwat sa eleksiyon sa taon na iyon.

Ani Mayor Agbayani na pinatawag siya at ang kanyang kabiyak na si Mayor Marlyn Espino Agbayani sa tahanan ng mga De Venecia sa Brgy. Bonuan Binloc sa Dagupan City para hikayatin ang political family na bigyan ng 20, 000 boto si Robredo noong 2022 eleksyon.

“Noong meeting namin pinatawag kaming mag-asawa doon sa kuwarto nila. Si Manay sabi niya: “Danny bigyan mo kami ng 20,000 votes ng Robredo. Sumagot ako: “Maam hindi puede pinsan ko ang Marcos sabi ko”. “Di puede iyan!” “Oo Maam kahit ano pa ang mangyari”. “Lumabas ka, sabi niya. Pinalabas ako”.

Naiwan si Mayora at hinimok siya ni Manay na dumalo sa rally ng ka-Bicolana niya sa open space ng Stadia sa Brgy. Tapuac, Dagupan City noong Abril 8, 2022.

Dahil “bad shot” – kung hiramin natin ang sikat na akusasyon ni First Lady Liza Marcos kay Vice President Sara Duterte – na sila De Venecia sa mga Marcoses gustong palabanan ng pamilya si dating Congresswoman Gina sa susunod na taong eleksyon.

Kasi wala sila pagpipilian. Si Belen (Fernandez alkalde ng Dagupan City), Si Brian (Lim, dating alkalde ng Dagupan City) at si Duque,”,” “kuwento ni Agbayani,”.

Maraming nagalit na mga pulitiko sa Pangasinan noong bitbitin nila Speaker Joe, Manay, at Cong. Toff si Robredo dito sa dambuhalang lalawigan na may mahigit tatlong milyon na populasyon.

Dahil sa ginawa nila tinawag ni Pangasinan 1st District Cong. Art Celeste ang mga De Venecia na laos na na mga pulitiko.

"In 2016, they (de Venecias) who (sic) were with the Liberal Party campaigned hard for Mar Roxas (for President and Leni Robredo for Vice President, but they (Mar-Leni) lost miserably in Pangasinan despite the massive resources of the 'yellows' then," former First District Cong. Art Celeste, who is making a congressional comeback,” ani Celeste sa Manila Times.

Naalaala niya na ang party-list na Inang Mahal ni Gina ay di nakakuha ng maraming boto sa Pangasinan kaya di nakalusot ang huli sa pagiging congresswoman.

"She (Gina) is a Bicolana like Leni Robredo who doesn't care, feel and think like the Ilocanos and Pangasinenses do," quote ng Manila Times kay Celeste.

Sinabi ni Vice Mayor Danny sa mga De Venecia ang paghimok sa kanya ng Malacanang Palace mahigit isang buwan na ang nakaraan.

Aniya si “Luna” ang nagpadala ng text message sa kanya para hikayatin siya na tumakbo at ang kanang kamay ni President Marcos na si Ryan Remegio ang kumukumbinsi sa kanya na labanan si De Venecia.

“Noong tinawagan ako ng right hand ni BBM si Ryan Remegio iyan ang sinabi: “Si Marcos, ikaw ang tumakbong congressman,” noong tanungin siya ng writer na ito sino ang nagpapatakbo sa kanya para congressman sa Pangasinan.

Si Agbayani at ang mga Marcos ay magkakamag-anak sa Vintar, Ilocos Norte.

“Endorse ako ni Imee dito. Iyong mayor dati import from Vintar, Ilocos Norte kamag-anak ko pa,” ani Vice Mayor noong ni quote niya ang sinabi ni Senator Marcos.

Noong pinakita ni Agbayani ang mga text messages galing sa kampo ng Pangulo sa kanila di daw maka-imik ng ilang sandali ang kampo nila De Venecia:

“Sinabi ko iyon sa totoo lang. Hindi sila umimik ang buong pamilya. Iyang sabi ni Manay Chona (kapatid ni Gina): “O Danny anak-anakan ka namin ni Manay Tessie (Doctor Tessie de Venecia pinsan buo ni Speaker)”.

“Iyon naman Maam kahit ano ano ang mangyari di ko kayo lalabanan,” sagot ni Agbayani.

Nakikita ng mga dalubhasa sa pulitika ng Pangasinan na ang mabigat na makakalaban ni Gina de Venecia ay si Health Secretary Francisco “Pingcoy” Duque III na tao ni dating Presidente Rodrigo Duterte noong panahon ng huli.

“Pound for pound or hundreds of millions of pesos for hundreds of millions of pesos of the de Venecias – who lorded the district for 34 years since patriarch former Speaker Joe de Venecia became congressman in Pangasinan,” ani ng isang artikulo sa Northern Watch Newspaper sa kakayahan ni Duque na magpapasaya sa mga botante ng distrito na may 340, 564 botante (20222 Comelec).

Kamakailan may lumalabas na litrato sa social media kung saan kasama ni Duque ang mga opisyales at tauhan ng Commission on Election sa Dagupan City na may caption: “Something big is set to happen”.

Ani Agbayani sa tape recorded na panayam ng writer na ito na maagang namigay ang kampo ng De Venecia ng tig P100,000 sa kada isa sa mga Kapitan sa Dagupan City at P50, 000 kada isa sa mga Kapitan sa apat na bayan ng Distrito.

“Nagbigay ang Dagupan P100 (thousand) singkuenta (P50, 000) dito sa munisipyo,” salaysay ni Vice Mayor, “parang tumunog si Secretary (Duque)”.

Pinaliwanag rin ng isang dating mataas na opisyal sa administrasyon ni dating President Rodrigo Duterte na humingi ng tulong ang mga De Venecia kay Secretary at Special Assistant to the President Bong Go na mag-usap-usap sa Malacanang ang tatlong De Venecia at si Duque para hikayatin ang huli na huwag ng labanan si reelectionist Cong. Toff sa 2022 election dahil last term niya na. Pagkatapos noon puede nang tumakbo si Duque sa May 2025 eleksyon na hindi na kalaban ang mga De Venecia.

Larawan na kumakalat sa social media kung saan si dating Health Secretary Pincoy Duque (kaliwa ng kaliwang larawan) ay nakita sa loob ng opisina ng Comelec sa Dagupan City.

 Ayaw magpabanggit ng pangalan ng mataas na opisyal.

Binanggit pero sa Northern Watch Newspaper ni dating Binmaley Vice Mayor Edgar Maminta na pinatakbo si Manny de Guzman - dating driver ng Kalihim sa Dagupan City – sa pagiging congressman ng Pangasinan 4th Congressional District para sa May 9, 2022 election dahil sa plano ni Duque na maging substitute siya.

Si Maminta – gaya ni De Guzman - ay dating driver ni Duque noong pangulo pa siya ng Lyceum Northwestern University sa Dagupan noong 1990’s.

Pero itong nasabing pag-uusap ng dalawang kampo kay Duterte ay taliwas sa mga pinapakita ni Manay kung saan siya ay agresibo sa pagsulong ng sarili niya social media gaya sa mga palabas niya sa Tiktok at Reel.

Kung gusto ngang tumakbo ni Duque dapat sabayan o higitan niya ang ginagawa na mga pakulo ng mga De Venecia para hindi siya pupulutin sa kangkungan pagkatapos ng bilangan sa May 12, 2025 election.

No comments:

Post a Comment