Sunday, August 11, 2024

Political Suicide pag Tumakbo si Pogi - Mayor

Ni Mortz C. Ortigoza

Nakasalimuha ko kamakailan ang isang mataas na opisyal na dating nagtatrabaho sa mga Espino (former Governors Amado at Pogi) noong sila pa ang namamayagpag sa provincial government sa Kapitolyo sa Lingayen, Pangasinan. Sinabi niya na merong namumuong “problema” sa mag ama dahil gusto daw ni Pogi na tumakbong gobernador sa Pangasinan pero ayaw ng ama dahil sa nakakapilay na gastusan na mangyayari.

DUKE-OUT 2025. Pangasinan Governor Ramon "Monmon" V. Guico III (left photo and clockwise), former Pangasinan Governors  Amado "Pogi" Espino, III and Amado Espino, Jr.

Ang mitsa daw na tatakbo ang batang Espino ay sa mga mga nagsisilabasan na mga pahayag sa Kapitolyo at sa media na parang wala silang nagawa kontra sa nagawa ni kasalukuyang Gobernador Monmon Guico sa mahigit na dalawang taon palang niya sa kapangyarihan.

 Itong impormasyon ko na nasagap na tatakbo sa pagka gobernador si Pogi ay nakikiayon sa mga nababasa ko sa social media sa intensyon ni Pogi na lalabanan ang Guapo sa Kapitolyo.

Noong sinabi ng source ko ang nangyayari sa mga Espino sa isang alkalde na kaalyado dati ng mga Espino, ang nasambit ni Mayor: “It’s a political suicide!”

It’s political suicide, sa aking opinyon, kasi mas maraming pera si Guico sa mga Espino ngayon dahil siya ang kasalukuyang gobernador at nasa kanya ang perks at privileges ng nasa poder.

Dinugo sa gastusan ang mga Espino noong May 9, 2022 eleksyon noong nilabanan nila sa pagka gobernador, kongresmen sa tatlong distrito ang Alyansang Aguila na kinabibilangan nila Guico, billionare businessman Cezar T. Quiambao (na may poot sa matandang Espino), kasalukuyang Congressmen Art Celeste, Mark Cojuangco, at Monching Guico, Duterte Administration Secretary Raul Lambino at anak niyang si Vice Governor Mark Ronald Lambino.

***

Ayaw ko nang pag-usapan na kaalayansa ni Guico ang halos lahat ng alkalde sa 44 bayan at 3 siyudad sa Pangasinan pagdating sa pulong-pulong at ikotan pagkatapos ng filing ng certificate of candidacy (CoC) sa October 1 hanggang 8, 2024 at sa kampanya sa March 28, 2025 hanggang sa Mayo 10, 2025 para sa May 12 na halalan – The Day of Reckoning ika nila sa Inglis.

Ayaw ko na rin pag-usapan natin dito na karamihan sa walong Kongressmen–kasama sina Abono at API partylist representatives sa equation – sa dambuhalang probinsya ay kay Guico dahil itong mga alliances sa kanila ay hindi salik sa pagpapanalo sa isang gobernador. Ang Real McCoy, ang Silver Bullet ay DATUNG, PERA, o KUARTA  para sa karamihan sa 2, 0150, 000 botante sa Pangasinan.

Ginawa ng Alyansang Aguila iyan laban sa mga Espino at mga kandidato nila sa mga distrito na sinambit ko na naging dahilan na kinulang ang kalaban ng pondo noong May 9, 2022 eleksyon.

“Kinulang sila ng budget noong 2022 election,” ani ng mataas na opisyal sa Capitol noong kahuntahan ko siya kaya sinabi niya noon na walang Espino na tatakbo sa Fifth Congressional District at sa gubernatorial race.  

Ani ng mataas na opisyal na kaalyansa ng mga Espino sa San Fabian noong makausap ko noong April 2024:

Kinulang sa budget sila Pogi kontra kay Guico. Walang kalahati sa ginastos ng huli ang nakayanan ng una sa first wave, ani ng source na ayaw magpakilala.

 Iyong binigay nila Guico na pondo sa bayan na iyon ay nasundan pa ng second wave kaya nga-nga daw ang mga Espino na naging dahilan nila sa pagkatalo sa dati nilang bailwick kung saan ang asawa ng alkalde doon ay kamag-anak pa nila.

***

Ani ng isang dating matagal na alkalde sa Pangasinan noong pinag-usapan namin over a cup of brewed coffee ang pulitika sa Pangasinan at Lingayen, aniya may posibilidad na ploy (drama) lang ng mga Espino at ni Mayor Pol Bataoil na tumakbo sa pagka gobernador at pagka congressman dahil kailangan nila ng leverage sa mga power-that-be.

Sa kay Bataoil ay di na niya lalabanan si reelective Mark Cojuangco kung e pangako ng huli na patapusin na lang siya sa pagiging alkalde ng Capital town sa huling term niya sa 2025 to 2028.

Manok ni Cojuangco si dating Mayor Iday Castaneda na tinalo ni Bataoil noong 2019 at 2022 elections ng may 8,804 votes at 1,615 votes na agwat na boto. Ayon sa mga political pundits beatable si Bataoil sa mayorship dahil maliit lang ang lamang niya kay Iday noong ikalawang sagupa nila para makuha ang karamihan ng 60, 773 votes kahit nasa kanya (Bataoil) pa ang bloc voting members ng Iglesia ni Cristo. Si Bataoil ay congressman ng distrito noong 2010 hanggang 2019.

***

Kayong mga nagbabasa nitong blog/column ko, naniniwala ba kayo na makinang pulitikal na ginagatungan ng umaapaw na pondong pananalapi, superior economic records gaya ng pagpataas ng pondo ng lalawigan sa P7 bilyon na budget para sa fiscal year 2025 at libo-libong trabaho dala halimbawa ng pagpapatayo at operasyon ng P34 billion halos 43 kilometrong Pangasinan Link Expressway (PLEX) na ni ground break na ni San Miguel Corportation's Chairman Ramon Ang, special economic zone at iba pang mga basihan sa pagpapanalo sa isang kandidatong gobernador sa Pangasinan?

No comments:

Post a Comment