Monday, August 12, 2024

Urdaneta Mayor Kinasuhan ng Pananampal, Nakaw Matapos Suspendihin

Ni Mortz C. Ortigoza

URDANETA CITY, Pangasinan – Kinasuhan ng pananampal at pagnanakaw ang alkalde dito matapos niyang saktan ang cameraman ng provincial government ng Pangasinan habang kasama ito sa pagsilbi ng tatlong buwang preventive suspension sa kanya ng gobyerno.

ONE TIME –BIG TIME SAMPAL. Ang namumuong dugo sa kaliwang mata ni Public Information Office Cameraman Jairus Bien F. Sibayan (kaliwa, ilalim na larawan) matapos siyang sampalin ni Urdaneta City Mayor Rammy Parayno (kanan, ilalim ng larawan) at agawin ang kanyang video camera at kunin ang SD Card ayon sa salaysay niya sa police blotter.


Ayon sa police report na natangap ng writer na ito, matapos ibigay ni Atty. Ronn Dale Beltran Castillo, Executive Assistant ni Governor Ramon V. Guico III, noong 8:30 ng umaga ng Agosto 12 ang preventive suspension na pirmado ng gobernador kay Mayor Julio “Rammy” Parayno III ay gustong kunin ng huli dito ang camera ni Jairus Bien F. Sibayan, 28, single, ng provincial information office (PIO) na nakabase sa Capitol Complex sa Lingayen, Pangasinan.

However, the City Mayor got irked and then slapped Jairus Bien F. Sibayan on his right face, captured the camera and removed the SD card. PNP personnel deployed in the area immediately pacified the involved persons and then brought Jairus Bien F. Sibayan to Urdaneta District Hospital for medical examination and to Urdaneta City PS (police station) for proper disposition,“ saad ng isang parte ng police report na pinadala sa writer na ito ni Pangasinan Provincial Police Office Director Col. Jeff Fanged.

Sinabi rin sa report na “Physical Injury and Theft Incident” ang naging kaguluhan na gawa ni Parayno.

Ayon sa ibang source ay isinalaysay ni Sibayan na pumayag si Mayor na kunan ng video ang pagsilbi ng preventive suspension ngunit matapos matanggap ng huli ang three months’ suspension order, tinangka ng mga kasama nito na agawin ang kanyang Sony A9 camera. Noong ayaw ibigay ng batang camera man ang kanilang hiling, nayanig na lang siya sa lakas ng bagsak ng sampal ng maykaliitang si Parayno na nag-iwan ng namuong dugo sa kaliwang mata niya at nagdulot ng pasa sa mukha.

Kinuha ng mga kasama ni Parayno ang camera na pag-aari ng Lalawigan ng Pangasinan, inalis ang 64 GB secure digital card o SD card at binura ang mga larawan at video. Nasira rin ang rubber lens ng camera dahil sa agawan.

Ayon sa ulat ng isang reporter na malapit kay Parayno, mga konsehales daw ang tumulong na umagaw sa camera ng taga PIO. Kung totoo ito dapat magpakita si Parayno ng footages ng security camera niya sa opisina para mapasinungalingan si Sibayan na plano niyang idemanda rin.


UGAT NG BROUHAHA

Nag-ugat ang kaguluhan na ito noong magreklamo ang may ari ng REVM Tiposu Poultry Farm Inc. sa Anti-Red Tape (ARTA) sa Metro Manila ng pangaabuso at pangmamalabis ng alkalde sa aplikasyon niya para sa isang poultry house. Kasama rin sa kinasuhan ay sina One-Stop Chief Ronald San Juan at ang sanitary Inspector dito sa paglabag ng Republic Act 11032 o Act Promoting Ease of Doing Business and Efficient Delivery of Government Services, and Others.

Nang makitaan ng “substantial evidences” ng tatlong counts ng pang-aabuso ng tungkulin inirekomenda ng ARTA sa Blue Ribbon Committee ng Sangguniang Panlalawigan at sa kay Guico ang pagpataw ng preventive suspension na nakitaan ng tatlong buwang desisyon laban sa alkalde dito.

Ayon sa Local Government Code (LGC) ang preventive suspension ay ipapatupad ng gobernador kung ang “respondent is an elective official of a component city or municipality (Section 63)”.

“The issuance of the preventive suspension by the Sanggunian was administrative (inaudible) to prevent him for undue influence of any official (duty) during the course of the investigation,” ani Vice Governor Mark Lambino sa mga reporters.

Ayon sa LGC si Parayno at mga kasama ay mahaharap sa isang paglilitis sa Sanggunian na magsisimula at matatapos sa 90 araw.

“The investigation of the case shall be terminated within ninety (90) days from the start thereof. Within thirty (30) days after the end of the investigation, the Office of the President or the sanggunian concerned shall render a decision in writing stating clearly and distinctly the facts and the reasons for such decision. Copies of said decision shall immediately be furnished the respondent and all interested parties (Section 66)”.

Ang desisyon na iyan ay “suspension” o “removal from office”.

Noong gustong makapanayam ng Northern Watch Newspaper si Sibayan pagkatapos niya at ni Atty. Beltran magreklamo sa istasyon ng police dito, ito ang nasabi ng nakakataas sa kanya na si PIO Chief Dhobie de Guzman: “Huwag muna Sir. Natrauma pa ang bata. Kaya sa blotter lang muna ang base (ng ulat)”.

No comments:

Post a Comment