Tuesday, August 20, 2024

Flying Voters sa Calasiao?

 

Ni Mortz C. Ortigoza

CALASIAO, Pangasinan – Nangangamba ang isang concerned citizen dito sa pagdagsa ng dami na nagpapa-rehistro na mga botante sa opisina ng Commission Election (Comelec) dito.

Six suspected flying voters cover their faces after they were arrested by the Pasay City policemen. GMA News 


Ani ng source na ayaw magpabanggit ng pangalan, kailangan daw ang pagrehistro ng isang kolehiyo sa Pangasinan 3rd Congressional District para mapasali sa Tertiary Education Subsidy (TES) ng Commission on Higher Education (CHED) . Ang TES ay may mga pangunahing benepisyo:

* Para sa mga Private Higher Education Institution, hanggang P60,000 per academic year sa tuition fees at iba pang gastusin;

* Sa State Universities and Colleges (SUCs) and Local Universities and Colleges (LUCs), hanggang P40, 000 kada academic year sa allowance at education related expenses.

Nangangamba ang source na baka maulit ang paglobo ng flying voters dito gaya noong nakalipas na eleksyon.

Aniya bakit ni rehistro ng Comelec dito na walang Certificate of Residency (CoR) ang ibang botante.

“Iyang mga nanggaling dito mga ilan sila mga sampo. “Naka register na ba kayo?” “Oo”. “Hinanapan ba kayo ng Certificate of Registration?” “Hindi,” tanong niya sa mga bagong botante na pumunta sa Comelec dito.

Nakalagay sa mga kailangan ng TES na ang isang bagong aplikante sa pagiging iskolar ay kailangan magbigay ng mga sumusunod: proof of enrollment, people’s with disability card, certificate of residency o valid government issued I.D.

Noong nagtanong sa mga kaganapan ang manunulat na ito sa opisina ng Comelec, sinabi ng staff na si Rosalie Cabucon na hindi niya masagot ang writer na ito dahil wala ang Election Officer nila.

Ang TES ay programa ng CHED para matulungan ang mga estudyante para matustusan ang kanilang edukasyon.

Ayon sa Omnibus Election Code ang prohibited acts ng election offenses ay “Any person who, being a registered voter, registers anew without filing an application for cancellation of his previous registration (Section 261, parag (5)”.

Babala ni Comelec spokesperson John Rex Laudiangco: “Ang pagrerehistro po ng dalawa o higit pang beses para ang maging purpose po ay maging flying voter ay pinaparusahan ng batas bilang election offense, may pagkakakulong po ito ng isa hanggang anim na taon, pagkakatanggal ng karapatang bumoto at pagpataw po ng perpetual disqualification to hold public office. Hindi na po kayo makakabalik sa pamahalaan, kahit anong posisyon, mataas man o mababa, elected man o appointee".

No comments:

Post a Comment