Ni Mortz C. Ortigoza
Matapos magtanong ang ilang bigwigs
ng local government unit (LGU) ng Mangaldan sa akin kamakailan lang, sinabi ko
sa kanila na mas magaling ang mga councilors o mambabatas ng Sanggunian ng
Binmaley sa Dagupan City.
“Bakit mo naman nasabi?” tanong ng isang Department Head na sumasahod ng basic pay na P85,000 bilang opisyal ng isang first class town.
Mga nagbabangayan na mambabatas sa lawmaking body ng Dagupan City. Photo is internet grabbed |
“Sa Dagupan sa debate at murahan ng majority na
oposisyon at mga minority na mga kaalyado ni Mayor Belen T. Fernandez, halos
Tagalog ang mode ng communication nila,”
ani ko.
Halimbawa niyan noong magkasagutan at
magkamurahan ang mayorya kontra sa Bise Mayor dahil sa tingin nila binababoy
niya ang proseso ganito ang mga lumalabas sa mga bunganga nila noong October
2023:
Vice Mayor Dean Bryan L. Kua: With five votes,
who are in favor of the approval?
Councilor Irenee Lim-Acosta: MASYADO NA IYONG PAMBABASTOS NINYO SA AMING MAJORITY. MASYADO KA NA!
BASTOS KA!
Habang ang majority na kung saan si Acosta ay
miyembro ay tumawag ng adjournment, minumura pa rin ni Councilors Red Mejia at Acosta si Kua dahil sa maling pinagagawa niya.
"Bastos
itong putang inang Vice Mayor na ito!" dagdag ni Acosta.
Sa Binmaley kahit birahin ni Vice
Mayor Sam Rosario ang mga Konsehal na pinagsuspetsahan niya na nagpapagamit sa
power-that-be sa munisipyo para siraan siya at gawan ng mga panibagong kaso,
Inglis pa rin ang gamit niya di gaya sa mga miymebro ng lawmaking body sa
Dagupan City.
Pagnagsagutan si VM Sam versus Liga
ng mga Barangay President and ex-oficio Councilor Butch Merrera – kuya ni Mayor
Pete Merrera – Inglis ang mga binibitawang mga salita nila kaya ako’y naawa sa
mga kasama kong mga media men na nagko cover sa gallery ng Sanggunian Bayan
(SB) doon dahil meron sa kanila hirap din sa Inglis kasi nahasa lamang sila sa
Pilipino at Pangasinan na dialect pag nagsusulat o nagkukumentaryo sa radyo.
“Ah wala iyang mga Konsehales na iyan sa Binmaley,” sambit ng isang mataas na opisyal sa SB ng
Mangaldan.
“Bakit
mo naman nasabi?” ika ko.
“Gumagamit
ba ng Inglis na ganito ang mga mambabatas ng Binmaley pag nagdedebate sila?
“The
last straw that breaks the camel’s back”, “under the cloud”, at “flogging a
dead horse”.
“Hayop
ah! Puro kabayo at kamelyo, este, idioms pala ang mga gamit ng mga Councilors ninyo
sa Mangaldan,” ang aking nasambit sa kanya.
Sa mga nagbabasa dito, tatlong idiom
po ang naisulat ko diyan sa itaas. E Google search na lang ninyo kung ano ang
ibig sabihin ng bawat isa sa kanila sa Inglis dahil gahol na ako sa oras na
ipaliwanag pa sa inyo ang mga salitang may mga kasamang hayop doon.
Hayop talaga sa galing kung sino man
ang mga mambabatas na iyon. Malayong malayo ang mga mambabatas at mambubutas ng
upuan sa SP ng Dagupan.
No comments:
Post a Comment