Ni Mortz C. Ortigoza
LINGAYEN, Pangasinan – Umaabot nang milyon-milyon
at daan-daang libong pesos kada taon ang naging bahagi ng mga barangay sa
pamumuno ni Pangasinan Governor Ramon V. Guico III at Vice Governor Mark Ronald
Lambino.
Ayon kay Lambino magmula noong naisabatas ng Guico Administration ang tax ordinance na nag amend sa 11 years old na Revenue Code sa extraction, administrative fees, road maintenance, at iba pa, hindi lang tumaas nang walong tiklop ang buwis na nakoleksyon ng provincial government dito magmula noong bumaba sa pwesto si dating Gobernador Amado Espino III noong June 30, 2022.
QUARRY. A quarry operator with his equipement in
one of the villages in Pangasinan. |
Sa buong taon ng 2020, P12 million lamang
ang nakulekta ng provincial treasurer kumpara sa P120 million magmula Enero at
kalahati ng Hunyo ngayong taon, ayon sa bise gobernador noong makausap siya ng
mga reporters dito.
Aniya baka mahigit P200 million ang
makukulekta ng Guico Administration pagkatapos ng taon na ito.
“And we’re moving toward 18 months after the implementation (ng
bagong tax ordinance sa quarry). Ang Probinsiya po ng Pangasinan nagtarget po
tayo, I believed, P150 million for the year but ang collection po natin in the
first five and half months ay nasa P120 million na po. If I remember for the
figures of the treasury so iyang two years ago na collection na P12 million
ngayon po sa isang taon anim o lima’t kalahating buwan pa lang ay times ten na
po ang koleksyon. So if the projection is correct magtuloy-tuloy na ito we’re
expecting at least around P200 million or even higher pag natapos na that’s the
collection alone for the extraction business, etcetera”.
Dahil dito ang probinsiya, mga munisipyo
at mga barangay na pinagkukunan ng quarry ay naging benepisyaryo ng ilang
beses na bahagi ng pondo.
Sinabi sa kanya ng Guzon Barangay Chairman na bukod sa annual budget ng huli na P20 million
kumikita pa siya sa unprogrammed budget na P2.5 million kada tatlong buwan
magmula nang maisabatas ang amended quarry ordinance.
“E ngayon kung nakaka P2.5 million every quarter that translate
to additional P10 million na unprogrammed budget niya. Ano po ang magagawa ng
isang barangay sa sampung milyon?
Ani Lambino iyong Brgy Guzon -at ibang pang mga barangay na kumikita ng milyon at daan-daang libo kada taon ay kaya na nilang bumili o tumustos ng mga kailangan sa health services nila, emergency response vehicle, at mga pangangailangan ng mga indigents.
Aniya sa mga maliliit na mga barangay sila
ay nakakakuha ng P200, 000 kada tatlong buwan o quarter o P800, 000 kada taon.
Iyong halaga na iyan ay malaking bagay pandagdag sa naka programmed na yearly
budget nila na P6 million at P7 million kada taon.
“Imagine po ang mga additional na programa na kaya nilang gawin
at ito ay directly na napupunta sa barangay. Nakikita, malinis, transparent po
ganoon din po doon sa mga munisipyo may shares na din po sila sa collection at
directly din pong napupunta sa kanilang treasury”.
Ang mga cheke ng mga barangay ay
pinapa-fund transfer na ng provincial treasurer.
Aniya kada quarter nagsasara ng libro ang
provincial treasurer kaya every tatlong buwan din nilang kino-compute ang share
hindi lang ng mga barangay kundi pati na ang mga bayan na may quarry at ang
probinsiya.
Ayon sa Local Government Code, 40 percent
ng buwis na nakukuha ay mapupunta sa barangay kung saan galing ang quarry, 30
percent sa bayan o siyudad kung saan ang nasabing barangay ay nasasakop, at 30
percent sa probinsiya.
Dumanas ng birth pain ang implementasyon ng batas dahil sa maraming tumututol noon.
“May mga reports din po na namantala at tinaas po ng
nakakatakot ang presyo but eventually nag dive down po ito na regulate at
binantayan din po natin ang mga namamantala doon sa mga overpricing,”
dagdag ni Lambino.
Sinabi noon ng Mines
and Geosciences Bureau ng Department of Environment and Natural Resources kay
Governor Guico noong wala pa itong bagong batas na ang Pangasinan ang may
pinakamababa na extraction fees sa quarry sa apat na probinsiya ng Region-1.
Kailangan din ang batas na ito dahil umaabot ng mahigit P1 billion ang nagagastos sa mga tulay at kalsada na sinisira ng mga trucks ng mga nagku-quarry pag ito ay kanilang nadadaanan.
No comments:
Post a Comment