Thursday, June 13, 2024

Mga Dahilan Bakit Flooded ang Kapaligiran ng Kapitolyo

 

KAYA KAILANGAN PUTULIN, I-EARTH BALL ANG MGA KAHOY

Huli ng Dalawang Serye

Ni Mortz C. Ortigoza

LINGAYEN, Pangasinan – Nalulubog sa baha ang kapaligiran ng Kapitolyo dito dahil sa maliit na drainage canals, silted na kailogan, at epekto ng accretion, ayon sa mataas na opisyal ng provincial government.

Paliwanag ni Provincial Housing and Urban Development Coordinating Chief Alvin Bigay na ang mga problema sa paglubog ng kapaligiran sa malakas na pagbuhos ng tubig ulan ay dahil sa mga maliliit na waterways na hindi na kayang tanggapin ang pagbugso ng daloy ng baha.

FLOOD. Photos of some of the sourroundings of the Capitol Complex of the provincial government in Lingayen, Pangasinan submerged in flood because of the heavy downpour last year. The complex hosts the provincial and  some national government offices.

“Actually ang isa sa naging problem natin diyan iyong mga dating natural na catch basins within the capitol complex in the nearby areas na restrict na natabunan na”.

Isinisisi ni Bigay ang paglala ng pagbaha sa accretion o pagdaragdag ng buhangin dala ng paghampas ng mga alon na naging dahilan sa pagbagal ng umaapaw na tubig na dumadaloy patungo sa karagatan.

Noon madali lang mag drain kasi malapit lang sa tubig (dagat). Ngayon na restrict na iyong mga waterways natin, tapos iyong carrying capacity so to speak iyong mga tubig hindi na po kaya ng ating drainage system”.

Aniya ang silt o banlik ng Limahong Channel ay kumapal na kaya pag malaki ang buhos ng ulan ay umaapaw na at dumadaloy para bahain ang Kapitolyo.

“The last time magkaroon ng dredging diyan sa Limahong Channel was during the term of Governor (Oscar) Orbos pa – so ganoon na po katagal”.

Naging gobernador ng Pangasinan si Orbos noong June 30, 1995 hanggang June 30, 1998.

Dagdag pa niya na lumalala ang sitwasyon ng kapaligiran ng Kapitolyo pag high tide dahil sa paghigpit ng mga lagusan ng tubig sa Channel papuntang dagat. Ito  ay umaapaw na naging sanhi ngayon ng paglala ng pagbaha.

Kailangan putulin o i-earth ball machine ang 300-400 punong kahoy para sa “adequate drainage system” para mapagaan kung hindi ganap na malutas ang problema.

“Yes, that’s why we need to widen itong mga roads dito”.

Ang mga invasive trees gaya ng mahogany at ipil-ipil ayon kay Celso Salazar, dating Community Environment and Natural Resource Office - Dagupan City chief at kasalukuyang pangulo ng Pangasinan Native Trees Enthusiasts, Inc., ay nagpapalabas ng kemikal na sumisira sa mga habitats at bioregions.

Dalawang earth ball machines ang binibili ng provincial government para maumpisahan na ang proyekto.

Ani Bigay, hindi dehado ang kalikasan dahil papalitan ang bawat kahoy na puputulin ng 50 seedlings na itatanim.

Kasali na dito ang pagtanim ng Tabebuia rosea na kahawig ng cherry blossom sa Japan at mga native na mga kahoy para maging berde ang kapaligiran sa Kapitolyo at maging santuwaryo ng mga ibon at mga alitaptap.

Aniya pinagbabawal ang magpalabas ng tubig baha sa Lingayen Gulf sa pamamagitan ng drainage system galing sa Kapitolyo bagkus ito ay pinapadaan sa San Vicente-San Jose River na malapit sa Maramba Boulevard.

Buwelta ni Bigay sa mga kritiko ng local government unit na huwag padalos dalos sa paghusga sa administrasyon ni Governor Ramon V. Guico III

“Ang sa amin naman kasi nagja-jump into conclusion sila kaagad iyong mga tao hindi nila alam na ang mga ito ginagawang development plan ng provincial government ay masusing pinag-aralan ito ng mga urban planners, environmentalist,” aniya.

 

No comments:

Post a Comment