Ni Mortz C. Ortigoza
BAYAMBANG, Pangasinan – Ang P2.5 billion BYB Metro ay magiging “sparkplug” sa
pagiging siyudad ng munisipyo na ito kung pagbabasehan ang kikitain nitong
hanggang P200 million kada taon na buwis pandagdag sa kasalukuyang P300 million
na local taxes na nakukulekta nito.
Ani dating Mayor Cezar T. Quiambao na ang BYP Metro ay makakapagbigay ng P50 million to P200 million na estate taxes sa kaban ng bayan na ito taon-taon pag ito ay fully operational na.
BYB–METRO. Bayambang Mayor Mary Clare Judith
Phyllis Jose Quiambao speaks before the crowd who attended the groundbreaking
ceremony of the 67-hectare Bayambang Metro Town Center dubbed as BYB-Metro held
at Brgy. Bani of the landlocked town on June 25, 2024. The Metro is under the
auspices of the Agricultural Infrastructure & Leasing Corporation (AILC)
whose President and Chief Executive Officer are Dr. Cezar T. Quiambao and
Philip B. Jose, respectively.
Ang Metro ay itatayo sa 22 ektarya na
lupain sa loob ng 67 ektaryang na binili niya sa Central Azucarera
de Tarlac (CAT) Realty – kumpanya na pag-aari
ng pamilyang Cojuangco ng Probinsya Tarlac.
Ang 77 barangays na landlocked na bayan na
ito ay may kasalukuyang annual appropriation budget na P750 million ayon sa
dating alkalde.
Si Dr. Quiambao ay kasalukuyang Presidente
ng Agricultural Infrastructure and Leasing Corp (AILC).
Aniya 40 porsiyento o P300 million ng P750
million budget ngayong taon ay galing sa mga local na buwis na business, real
properties at iba pa ng mga tao dito.
Ayon sa Republic Act 11683 na bumago sa
Section 450 ng Local Government Code of the Philippines, ang isang bayan na
gustong maging siyudad ay kailangan makamit niya ang dalawang pangangailangan gaya
ng P100 million na local taxes kada taon base sa year 2000 constant prices (na maging P500 million) at population
na hindi baba sa 150 thousand o 100 square kilometers na lupain.
Ang first class na bayan na ito ay may halos 130 thousand na populasyon at 55.58 square
kilometers na lupain. Bukod sa P500 million na local taxes na dapat kitain, kailangan
ng Bayambang ng dagdag 20, 000 na populasyon para makamit ang cityhood.
Nakalagay sa Republic Act No. 1194 (Automatic
Income Classification of Provinces, Cities, and Municipalities, and for other
Purposes) na pinirmahan ni President Ferdinand Marcos, Jr. noong October
26, 2023 na kailangan ng isang 5th class city na kumita kada taon ng
average annual income na P500 million.
Noong pinalitan ni Quiambao si dating Mayor Ricardo Camacho noong June 30, 2016, ang local taxes na nakukulekta ng huli ay P40 million lamang sa huling taon niyang panunungkulan.
"We are anticipating a surge in unemployment, especially
among the youth, but this project will usher in investments, and job
opportunities. It is not for the economy alone but also for culture and
commerce," ani Mayor Mary Clare Judith Phyllis Jose
Quiambao – ang maybahay ng dating alkalde - sa kanyang speech noong groundbreaking
ceremony ng BYB dito sa Barangay Bani noong Hunyo 25.
Ang Metro ay lalagyan ng commercial-residential
township project kung saan meron itong theme park, open spaces, hotels,
housing, and business areas na matatapos limang taon magmula ngayon.
Magbi-benepisyo ang mga karatig bayan sa
proyekto na ito, ani Mayor Quiambao.
“It would also boost tourism in the town and neighboring areas
since it is adjacent to the famous St. Vincent Ferrer Prayer Park, where the
tallest engineered bamboo statue is located, and pilgrims visit”.
Ang BYB Metro’s Blue Sky theme park
theme, paliwanag ni dating mayor Cezar, ay mag tatampok ng 50-meter-high Ferris
wheel, roller coaster na maging main attractions, 14 na mga rides, snow world,
at isang ice-skating rink.
Magbubukas ang first phase ng theme park
sa Nobyembre 30 ngayong taon. Ito ay makapagbigay ng limang libong trabaho.
Samantala, ang digital theme park ay
magbubukas din dito sa Hunyo 2025.
Kasali sa commercial business district
dito ay ang shopping mall, restaurants, at amusement park, habang magpapatayo
rin ng residential subdivision para sa modernong pamumuhay ng mga tao.
Ani ng dating alklade na makakahikayat ang BYB Metro ng mahigit kalahating
milyong turista sa iba’t ibang bayan para tankilikin ito.
No comments:
Post a Comment