Thursday, June 20, 2024

Mayor Bona Bumuwelta kay VM Mejia

HINDI NIYA ALAM ANG GINAGAWA NIYA

Ni Mortz C. Ortigoza

MANGALDAN, Pangasinan – Sinabi ng alkalde dito na hindi alam ng bise alkalde at grupo niya ang protocol ng isang medical mission sa local government unit (LGU).
Lumabas itong pahayag ni Mayor Bona Fe D. Parayno matapos pumutok sa mainstream at social media na sinabotahe daw niya ang medical at surgical mission ng bise mayor noong pinatigil sila sa Brgy. Gueguesangen dito.
RIVALS IN 2025 POLL? Mangaldan Mayor Bona Fe D. Parayno (left) and Vice Mayor Mark Stephen Mejia.



Ani Mayor Parayno na kahit araw-araw magpa medical mission si Vice Mayor Mark Stephen Mejia ay okay lang sa kanya basta sundin lang ng grupo niya ang Executive Order No. 2024-002 Series of 2024. Partikular ang E.O ay nagsasaad: An Order Reconstituting the Special Temporary Permit Committee for Surgical, Medical and Dental Missions, and other Allied Services, Providing for Guidelines Thereof.

“Okay lang kahit everyday! Sumunod siya. Hindi sinusunod ng isang vice mayor ang Executive Order hindi niya ata naintindihan,” sagot ni Parayno sa Northern Watch Newspaper noong makapanayam siya sa kanyang opisina dito.

Aniya noong pinapahinto ng Municipal Health Office (MHO) ang medical mission ng grupo ni Mejia ang huli ay ang acting mayor ng bayan na ito dahil si Parayno ay nasa tatlong araw na seminar sa Thailand.


“So he’s incriminating himself kasi siya ang acting mayor e! Tapos gumawa siya ng medical dental mission o hindi naman iyan nagsabi o di nagkakahulugan hindi niya alam ang ginagawa niya, period!”

Ang E.O na nilagdaan ni Mayor Parayno noong one Enero 2 ay nagsasaad:

Step 1: Pinapayuhan na kumuha ng checklist sa Municipal Health Office ang mga organizers;
Step 2: Kapag natiyak na kumpleto na ang checklist ay maari nang magbigay ng Letter of Intent addressed to Mayor Parayno, sampung araw bago ang aktibidad; sa sulat ay mahalagang nakalagay ang mga sumusunod: Event Title, Date of Event, Venue, Organizer, Parter Agencies/Organizations, Target Number of Beneficiaries, Name of Lead Coordinator, Address, Contact Number, Scope of Services, Other Provisions, List of Medicines, others, Name of Attending Physicians.
Step 3: Magsagawa ang komitiba ng ebalwasyon at ipapatawag ang mga organizers para ipaliwanag ang mga panuntunan sa pagsagawa ng medical, dental, surgical missions at allied services.
Step 4: Magkakaroon ng pinal na ebalwasyon at magbibigay ang MHO ng letter of recommendation sa office of the mayor para sa final approval.

Nakasaad pa sa E.O na dapat umaayon sa mga accepted local at international standard ang mission.
Dapat ang mga gamot ay dapat may clearance galing sa Bureau of Food and Drug (BFAD) para sa kaligtasan at kahuyasan at may expiry date na one year.

Dapat ang mga gamot ay may Certificate of Product Registration na inisyu ng BFAD.
Lahat ng kaso sa medical at surgical mission ay dapat naka dokumentado at merong survey report na kailangan isumite sa Center for Health Development pagkatapos ng dalawang linggo ng mission.

Si Vice Mayor Mejia ay anak ni Region-1 Medical Center Director Dr. Joseph Roland Mejia. Ang bise alkalde ay sinasabi ng mga political kibitzer dito na lalabanan si Mayor Bona sa reelection niya sa Mayo 12, 2025 eleksyon.

No comments:

Post a Comment