Thursday, June 13, 2024

Wala ng Titibag sa Puwersang Caramat-Macanlalay

 Ni Ernesto Cayabyab

CALASIAO, Pangasinan – Nakikita ng mga experto na wala ng puedeng bumanga sa bullet train nila Patrick Caramat at Kevin Macanlalay sa susunod na taong mayoralty election dito.

FORMIDABLE TANDEM. The tandem of Calasiao Liga President Patrick Caramat (3rd from left) and Calasiao Mayor Kevin Roy Macanlalay (4th from left) sizzle with formidability for the May 12, 2025 election where Caramat and Macanlalay agreed to run for the mayorship and vice mayorship, respectively. The duo meets at the Bread House in Dagupan City with other political heavyweights of the burgeouning town to show to all and sundry their unity. Others in the photo are Barangay Chairman Art Gaspar (extreme left), former Mayor Roy Macanlalay (2nd from left), former Mayor Celso de Vera (5th from left), and former Provincial Accountant Art Soriano (extreme right). Photo by Erning Cayabyab Texts by Mortz C. Ortigoza

Sa isang pagpulong sa Bread House sa Dagupan City pinakita ni Liga President Caramat at Mayor Macanlalay na naka-kasa na ang tandem nila sa mayorship at vice mayorship election kung saan si Caramat ang tatakbong alkalde habang bababa naman si Macanlalay bilang bise alkalde.

Dating vice mayor ng bayan na ito si Macanlalay pero noong pumanaw noong Enero 8, 2023 si Mayor Mamilyn “Maya” Caramat – ina ni Patrick – by operation of the law of succession naging alkalde si Macanlalay.

Nakita rin sa pagpupulong ang pagsanib puwersa ng mga dating magka karibal sa pulitika sa first class na bayan na ito. Sila ay si Barangay Chairman Art Gaspar, former Mayor Roy Macanlalay, former Mayor Celso de Vera, at former Provincial Accountant Art Soriano.

Naging susi si Liga President Caramat sa isinagawang pagkaka-isa at pag-aayos ng mga personalidad na ito.



No comments:

Post a Comment