Monday, June 10, 2024

Unconstitutional ang Pagbawal ni Dag. Mayor ng Bul. Bangus

 Ni Mortz C. Ortigoza

Umaangal ang isang fishpen owners sa Dagupan City dahil sa fishkill sa Bolinao at Anda, Pangasinan noong bumagsak hanggang P10-P20 ang kilo ng bangus dahil madaliang pinagha-harvest ng mga may-ari ang mga laman ng fishpens nila para to “minimized their losses”.

Nanaghoy si Cristina Flores sa kanyang post sa Facebook Page's Information Dagupan na napabayaan na ang tunay na masarap na Bonuan Bangus o Bangus Dagupan. Ang tono niya ay huwag papasukin ang mga murang bangus para tankilikin ng mga Dagupeรฑos ang milkfish na local.

COUNTLESS rubberized fish basins full of various sizes of bangus (milkfish) at the consignacion (consignment) in Magsaysay at Dagupan City from various fishpen and fishpond owners in Pangasinan that are being sold wholesale for buyers as far as Metro Manila.


“…Gusto po sana naming hingin ang hinaing niyo sa nangyayari sa atin ngayon sa bagsak presyong bangus sa napakaraming supplies pero kulang ang buyer, demands? Gusto po naming hingin ang inyong opinyon dahil sa tingin po namin ay napapaburan na ang ibang lugar kaya tayong mga (taga) Dagupan na my maliit na fishpen owner ang nagsusuffer?! Sa totoo lang po ang laki ng effect nito sa ating mga taga Dagupan. NASAAN NA ANG 'BANGUS DAGUPAN (?)".'. the bangus capital of the world .. KUNG BANGUS NG IBANG LUGAR ANG ANDITO," ani Flores ilang araw na ang nakalipas.

Noong April 2024 ipinagbawal ni Mayor Belen T. Fernandez sa pamamagitan ng Executive Order ang mga murang Bulacan Bangus na pumasok sa siyudad.

“(Mayor) Fernandez said she had to put to stop the entry of the Bulacan bangus into the city to protect the integrity of the Dagupan bangus, which is definitely far superior in quality than the bangus in other provinces. To ensure that no more Bulacan bangus will enter Dagupan at any time, Fernandez ordered the City Agricultural Office to maintain 24/7 alert along the city highways leading to the Magsaysay Fish Market, especially at the latter’s entrance,” sipi ng newsreport sa Sunday Punch dated April 28, 2024 na may pamagat na MBTF Expels Bulacan Bangus from Dagupan.

Bukod diyan, ang mga nagtitinda sa consignacion (bagsakan ng bangus galing sa ibat ibang lugar sa Pangasinan) sa Magsaysay, Dagupan City ay pinapalabas na Bonuan Bangus ang inilalako nila kahit na galing sa Bulacan o sa Western Pangsinan ang produkto.

Palakpakan ang mga taga suporta sa media at sa ibang sektor sa naging desisyon ni Mayora kontra Bulacan Bangus.

Nalungkot naman ako at siguradong malulungkot din ang karamihan sa ginawa ng babaeng alkalde.

Ito ang mga dahilan:

Una, kawawa ang karamihan gaya ng mga bitin sa budget dahil pag wala na ang Bulacan Bangus apektado ang supply ng milkfish. Sa economics subject natin noong highschool tinuturo sa atin ng guro ang Four Basic Laws of Supply and Demand, ito siya sa ilalim:

1.          If supply increases and demand stays the same, prices will fall.

2.          If supply remains constant and demand decreases, prices will fall.

3.           If supply decreases and demand stays the same, prices will rise.

4.          If supply remains constant and demand increases, prices will rise.

Simply lang: Pag madami ang bangus na galing sa Bulacan na binebenta sa Dagupan maging P120 lang ang kilo. Pag ipagbawal ang milkfish galing sa Bulacan magiging kaunti ang supply ng bangus sa Dagupan kaya magiging P180 ang kilo sa hypothetical na presyo ko.

Ikalawa, masaya ang mga fishpond at fishpen owners pag ipinagbawal ni Mayora ang pagdagsa ng isdang Bulacan dahil kikita sila ng malaki at ikakasira naman ng karamihan ng 174,302 na population (2020 Census) ng siyudad na magbabayad ng dagdag na halaga sa uulamin nila.

Ikatatlo, kung ibenebenta ng mga tindera na Bonuan Bangus kahit sila ay galing Bulacan di rason iyan na ipagbawal dahil makakasira sa kapakanan ng karamihan bagkus dapat sila ay arestuhin at kasuhan ng Estafa o Swindling dahil pinagluluko nila ang mga walang kaalam alam na mamimili.

Ikaapat, unconstitutional ang desisyon ni Mayor Belen. Nasa Free Market Economy tayo na kahit na taga Sarangani, Mindanao puwedeng magbenta dito dahil sila ay Pilipino basta may kaukulang silang mga permits.

The State recognizes the indispensable role of the private sector, ENCOURAGES PRIVATE ENTERPRISES (emphasis mine), and provides incentives to needed investments (Sec. 20, Art. II – Declaration of Principles and State Policies, Philippines Constitution)”

Sa mga naagrabyado at na iskandalo gaya ng mga supplier ng Bulacan Bangus at mga mamimili, pueding ninyong ihabla si Mayor Belen at kuwestiyunin ang Executive Order sa korte dahil ito ay ipinagbabawal ng nakakataas na batas ng Pilipinas.

No comments:

Post a Comment