Thursday, June 27, 2024

72 Bagong Trabaho sa Sta. Barbara

 

Ni Mortz C. Ortigoza 

Sa inisyatiba ni Sta. Barbara Mayor Carlito S. Zaplan, isinagawa ang deployment orientation ng local government unit (LGU) para sa 72 Special Program for the Employment of Students (SPES) beneficiaries sa Conference Room ng Sta. Barbara Town Hall kamakailan.


Kumatawan kay Mayor Zaplan sa oryentasyon ng mga 72 na benepisaryo ay si Municipal Administrator Benigno L. Cruz. Layunin ng nasabing orientation na magabayan ang mga SPES workers sa kanilang magiging trabaho bilang office staff, barangay staff, at LGU survey enumerators sa loob ng 22 na araw.

Sa tulong ng Department of Labor and Employment (DOLE), nagkaroon ng 31 LGU-DOLE shared funding SPES beneficiaries at 41 LGU fully funded SPES beneficiaries. Ang layunin ng gobyerno dito ay upang mabigyan ng "summer job" ang ilang kabataan bilang tulong sa kanilang pag-aaral.

No comments:

Post a Comment