Thursday, July 4, 2024

VM Aminado Hinaharang ng COA ang Sueldo Niya

  E-REFUND NAMAN DAW SA KANYA NG CONTRACTOR NA TARGET NG COA

Ni Mortz C. Ortigoza

LINGAYEN, Pangasinan – Inamin ng dating alkalde dito na kinukobra ng Commission on Audit (COA) ang buwanang sueldo nito habang hindi pa nababayaran ng contractor ang “disallowance notice” na ipinataw sa multi-storey building noong pinatayo ito noong mayor pa siya.

“Okay iyan ni process na sa central pero kinausap ko iyong contractor ibalik mo na lang iyan di na lang mag-appeal. Di na mag-appeal kasi ang pera nasa iyo. Ibalik niya bakit kasi mag appeal pa,” ani Vice Mayor Simplicio L. Rosario sa paniningil ng COA sa may ari ng Citron Builders and Supplies.

LITIGANTS. Binmaley Vice Mayor Simplicio Rosario (left foreground) gazes to his Mayor Pedro Merrera (extreme right) during the administrative case the former filed against the latter at a hearing recently held at the provincial lawmaking body in Lingayen, Pangasinan. The duo has been exchanging barbs with each other since assuming office in June 30, 2022. Both have filed criminal cases too at the Ombudsman against each other. Rosario used to be nine-year mayor of the first class coastal town.  Photo Mortz C. Ortigoza


Naglabas ang COA noong May 9, 2023 ng “Notice of Disallowance” na nagsasaad na: The administrative case cropped up after the Commission on Audit (COA) found out that the accused (then Mayor Rosario –emphasis provided by this newspaper) ordered the payment of a concrete slab on the 3rd floor multi-purpose building of the public central school here despite being paid already by the Department of Public Works & Highway”.

“…incurring a deficiency of P4, 049, 195.58. Said amount is hereby disallowed in audit. Copy of the technical inspection report is here attached for reference,’ sulat ng COA sa kanya.

Ang Notice ay natanggap ni Mayor Pedro Merrera noong February 2, 2024 galing sa Office of the Auditor –Commission on Audit Team No. 4 in San Carlos City, Pangasinan.

Si Rosario, Municipal Accountant Teggie V. de Guzman, Municipal Treasurer Josephine F. Anchiboy, at acting Municipal Treasurer Leo V. Fernandez ay dinemanda noong 2023 nila Leon C. Castro, Jr. Douglas R. delos Angeles, Lorenzo M. Cerezo, at Julian Edgar Gregorio Javier sa Ombudsman kung saan nakitaan siya ng substantial evidence ng huli.

Ani ng kasalukuyang Vice Mayor Rosario na walang problema sa kanya na binabawasan siya ng sahod kada buwan.

“Oo, sundin natin ang utos ng CoA”.

Paliwanag niya na hindi P7 million ang sinisingil ng CoA kundi P4 million lang.

“Ito iyong sinasabi nilang seven million (pesos). Sabi nila seven million sumulat ako sa COA P4 million lang e di P4 million lang iyong disallowance so nagkaroon na parang nagka overpadding. Ngayon nag file appeal kami,” aniya sa sideline ng administrative case dito sa Sangguniang Panlalawigan (provincial lawmaking body) laban kay Merrera.

Ang kaso sa Ombudsman ay may pamagat na OMB I-A- September 23-6163

Ang kaso naman na dinidinig mula pa noong 2023 sa Committee on Good Government and Accountability of Public Officers, Justice and Human Rights (CGGAPOJHR) dito sa Lingayen ay complaint sa Administrative Case no. 05-2023 (For Violation of Section 60 of Republic Act 7160). Ang Section 60 ay tungkol sa pagdisiplina, pagsuspende, o pagtanggal sa isang elective official. Ang mga batayan ay Disloyalty to the Republic of the Philippines; Culpable violation of the Constitution; Dishonesty, oppression, misconduct in office, gross negligence, or dereliction of duty; Commission of any offense involving moral turpitude or an offense punishable by at least prision mayor; Abuse of authority;

Ang mga nagrereklamo sa kasong ito laban kay Merrera ay sina Vice Mayor Rosario, SBM (Sangguniang Bayan Member) Airel Z. dela Concha, SBM Joel Jose A. Carrera, SBM Urbano C. delos Angeles III, SBM Aurora Gene Z. Cagaoan, SBM Jonas B. Rosasrio, at SBM Richard I. Bautista

Sabi ni Jonas sa Northern Watch Newspaper na kinasuhan nila si Merrera dahil ayaw niyang sagutin ang mga mga tanong niya sa alkalde sa sulat bilang Liga President kung ano ang mga pinakagastusan ng kasalukuyang alkalde noong isang taon.

Queries ko 2023 May pa no reply siya after a month.”

Aniya gusto niyang malaman para maiulat niya sa kanyang mga Kapitan kung magkano na ang nagastos ni Merrera.

Ang hiling niya kay Mayor nag-ugat sa mga sinasabi nito na puro galing sa bulsa niya ang mga tinutustos niya sa mga kailangan ng musipipyo.

Tinatanong din ng batang Rosario bakit pinagiba ang bagong gawa na lobby ng munisipyo at ayaw tanggapin ang bagong building na bigay ni noong 2nd District Cong. Jumel Espino.

“Iyong building na bigay ni Congressman Jumel ayaw e received. Ako ang humingi noong project”.

Bukod sa administrative case na isinampa ng grupo ni Rosario sa Sangguniang Panlalawigan kay Merrera may mga criminal at administrative charges din sila na  isinampa sa alkalde sa Ombudsman.

Ang grupo ni Merrera, sa kabilang kamay, ay nagsampa din ng di mabillang na kaso na criminal at administrabo kay Rosario.

Ang panayam ng Northern Watch kay Rosario na hinaharangan ang sueldo niya ng COA ay lumabas matapos sabihin sa diyaryo na ito ng kalaban at complainant niya na si Castro – na confidant din ni Merrera.

No comments:

Post a Comment