Wednesday, January 28, 2026

8 Bayan Pasok na sa P500-M Reqmt. sa Cityhood

Bayambang, Sual Pwede na this Year

Ni Mortz C. Ortigoza, MPA

LINGAYEN, Pangasinan – Walong mga bayan sa Pangasinan ay may mahigit P500 million annual appropriation budget na isa sa dalawang requirements ng cityhood.
PANGASINAN Mayors who are ecstatic on these Dola A.I generated images upon reaching one of the two requirements for cityhood. Box 1: Top left photo and clockwise: Sual Mayor Dong Calugay, Malasiqui Mayor Alfie Soriano, Binalonan Mayor RG Guico, Calasiao Mayor Pat Caramat, and Mangaldan Mayor Bona Fe D. Parayno




Ayon sa Order of Business kamakailan lang ng Sangguniang Panglalawigan dito para sa pagsusuri nila, sila ay Bayambang (P637, 691, 050), Malasiqui (P609, 290, 748), Mangaldan (P539, 035, 506), Lingayen (P531, 290, 646), Calasiao (P517, 181, 838), Sta. Barbara (P510, 000, 000), Binalonan (P927 million), at Sual (P505, 000, 000).  

Ayon sa Republic Act (R.A) 11964 (Automatic Income Classification of Local Government Units )  kailangan ng P500 million sa “consecutive two years” bago ang isang bayan, ang barangay o mga cluster ng mga barangays ay pwedeng gawing lungsod. Ang nasabing batas ay nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. noong Oktubre 26, 2023.

Ang isa sa dalawa pang kinakailangan na maabot ng isang local government unit (LGU) para maging lungsod ay:  "(i) a contiguous territory of at least one hundred (100) square kilometers, as certified by the Land Management Bureau; or (ii) a population of not less than one hundred fifty thousand (150,000) inhabitants, as certified by the Philippine Statistics Authority (PSA).

Ayon sa Section 450 ng Republic Act No. 7160 na kilala sa Local Government Code of 1991 na ang requisites ay “municipality or a cluster of barangays may be converted into a component city if it has a locally generated average annual income, as certified by the Department of Finance, of at least One hundred million pesos (P100,000,000.00 but amended by Republic Act No. 11683 to P400 million in April 10, 2022 and Republic Act No. 11964 to P500 million in October 26, 2023) for the last two (2) consecutive years based on 2000 constant prices,....
PANGASINAN Mayors who are ecstatic on these Dola A.I generated images upon reaching one of the two requirements for cityhood. Box-2: Left photo and clockwise: Bayambang Mayor Nina Jose-Quiambao, Lingayen Mayor Yday Castaneda, and Sta. Barbara Mayor Lito Zaplan.


                     POPULASYON, SQUARE KILOMETER NA LUPAIN

Ang Malasiqui ay may 144, 344 populasyon (2024 census) at 131.37 square kilometro na lupain; ang Bayambang ay may 129, 506 populasyon (2024 census) at 143.94 square kilometro na lupain; ang Mangaldan ay may 113, 302 populasyon (2024 census) at 48.47 square kilometro na lupain; ang Lingayen ay may 108, 510 populasyon (2024 census) at 62. 76 square kilometro na lupain; ang Calasiao ay may 100, 686 populasyon (2024 census) at 48.36 square kilometro na lupain; ang Sta. Barbara ay may populasyon na 92,420 (2024 Census) at may 61. 37 kilometro na lupain; ang Sual ay may populasyon na 38,625 (2024 Census) at may 130.16 kilometro na lupain; ang Binalonan ay may 56, 560 populasyon (2024 Census) at 47. 57 square kilometro na lupain.
 
                                            BASEHAN

Kung pagbabasehan ang mga nasabing requirement sa dalawang batas na nasambit, ang bayan ng Bayambang at Sual at Malasiqui ang pwedeng nang mag pa sponsor sa Kongreso ngayong taon at sa susunod na taon ng cityhood.
Ang Bayambang ay may budget na ₱573,163,840.35 at P651. 58 million noong taong 2024 at 2025.
Ang Sual ay may budget na ₱520,000,000.00 at P560 million noong taong 2024 at 2025.
Ang Malasiqui ay may budget na ₱456,199,281.46 at P542.60 million noong taong 2024 at 2025.

Bukod sa formal act ng Congress, kailangan ng isang bayan na magka plebesito ang mga residente kung papayag sila o hindi na maging lungsod ang nasabing bayan.

Mayroong 149 cities sa Pilipinas.

                                 BENTAHE NG CITYHOOD

Ang bentahe nang pagiging lungsod ay mas malaki ang bahagi niya sa National Tax Allotment (NTA) – dating Internal Revenue Allotment (IRA) – galing sa pambansang gobyerno kada taon kaysa kasali siya sa grupo ng mga 1,493  bayan.

Pag umabot ang populasyon ng lungsod sa 250, 000 ay may karapatan siyang magka kongresman sa House of Representatives gaya ng Dagupan at San Carlos Cities pag umabot sila sa Census na lalabas ngayong taon o sa 2029.

 

 

No comments:

Post a Comment