INVENTORY SA MGA PUNO VERSUS MGA “KILLER” TREES
Ni Mortz C. Ortigoza
LINGAYEN, Pangasinan – Ang mga puting numerong mga marka sa mga punong kahoy sa paligid ng Sison Auditorium at Capitol Resort dito ay hindi hudyat na sila ay puputulin.
Ang mga pag marka ng mga numero kahit na
doon sa mga puno sa harap ng Capitol building ay ‘for inventory” na
joint-undertaking ng provincial government at Community Environment and Natural
Resources (CENTRO) ng Department of Environment and Natural Resources (DENR),
ani Provincial Housing and Urban Development Coordinating Chief Alvin Bigay.
“The reasons why we are putting some markings because you inventory and instruction din iyan ng DENR na magkaroon ng markings para makamit namin alin ba diyan ang mga punong e-earth ball,” aniya sa Northern Watch Newspaper.
Nakipag coordinate ang kanyang opisina sa
DENR para sa imbentaryo dahil mas maalam sila tungkol sa klase ng mga kahoy,
aniya.
“Alam nila kung ano ang
puedeng kahoy na puede anong punong kahoy na puedeng anong punong kahoy na
dapat tanggalin when we conducted the inventory (when) we were with them”.
Aniya ang mga mahogany trees ay mapanganib
na kahoy na dapat putulin
Ang mga environmentalist dito sa Pilipinas
ay nanawagan na ihinto na ang pagtatanim ng ganitong klase na kahoy dahil sa
masamang dulot nito sa kalikasan at sa mga hayop dahil sa soil acidification.
Merong 208 mahogany trees sa buong Capitol
Complex. Noong June 2020, pinagbawal ng DENR ang nasabing kahoy dahil pumapatay
siya ng mga katabing halaman.
“Pag may invasive trees tatanggalin siyempre,” ani
Bigay.
Mahigit isang daan ang mga puno na
tumatayo sa dalawang government buildings na ito at hanggang doon sa gilid ng
kahabaan ng kalsada papuntang Alvear Street ng bayan na ito.
Aniya sa bawat isang punong mapuputol
kapalit naman nito ay 50 na seedlings ang itatanim.
Wala pang mga puno sa kasalukuyan na
puputulin sa harap ng Capitol building, sa paligid ng Sison Auditorium, at sa
Capitol Resort dahil wala pa silang mga permit galing sa DENR.
“Inventory pa lang, correct. Wala pa ngang permit e inventory
palang iyon”.
Bukod diyan di pa dumadating ang dalawang
earth balling machines para ilipat ang mga puno ng niyog sa lupa ng provincial
government sa Brgy. Estanza dito at ang ibang mga puno sa Eco-Park sa kabilang
bayan ng Bugallon, Pangasinan.
Ang planong pagputol sa mga puno sa harap ng Capitol ay para masolusyunan ang mga problema ng pagbaha sa paligid ng complex.
Ani Bigay lumalala ang pagbaha taon-taon
dito.
“Ang mga dating catch basin natin ay
natabunan na. Yong mga supposedly napupuntahan sana ng floodwaters umapaw na”.
Itong
mga natabunan na catch basins ay iyong sa likod ng Urduja House, iyong sa
Pangasinan State University (PSU), at iyong sa Narciso Ramos Sports and Civic
Center.
Sinisi rin ni Bigay ang accretion,
pagpataas ng Baywalk, at ang sand bar sa
bunganga ng Limahong Channel na
“Although they already put up a drainage system in the Baywalk
area, kung titignan po natin ngayon ay heavily silted na ang drainage system
kung kaya hindi na po umaagos yung tubig na nagku-cause ng baha”.
Ang sandbar aniya ay pumipigil sa takbo ng
ilog sa dagat at naging sanhi sa pagbalik niya sa Kapitolyo.
Binigyan diin din ni Bigay na huling na
dredge ang Limahong Channel ay noon pang panahon ni Gobernador Oscar Orbos
noong June 30, 1995 hanggang June 30, 1998.
No comments:
Post a Comment