Ni Mortz C. Ortigoza, MPA
Sari-saring reaksyon ang lumabas matapos banatan ng mga kritiko sa social media
at radyo kamakailan ang pangangasiwaan ni Pangasinan Governor Ramon V. Guico
III kung bakit daw hindi niya tinapos ang may inisyal na P300 million sa P800
million na 18 ektarya na Pangasinan Convention and Multi-Purpose Center (PCMPC)
sa Barangay Umanday, Bugallon sa Pangasinan.
Ang PCMPC ay ni ground break ni Gobernador Amado “Pogi” Espino III noong March
2019 at hanggang ngayon white elephant na ito na walang bubong at kinakalawang at nilulumot dahil
nakalantad sa mga elemento.
The still incomplete P300 million initially funded Pangasinan Convention and Multi-Purpose Center (PCMPC) at Barangay Umanday, Bugallon in Pangasinan. Photo Credit: Province of Pangasinan |
MGA BANAT NG MGA KRITIKO:
Sayang ang ginastos sa Center; Malaki at maluwag; Pinag aralan ng maigi ng past
administration iyan na nasa international standard; hindi makipot ang daan
galing at papuntang highway dahil pueding gamitan ng expropriation ng
provincial government ang katabing private lot; at iba pa.
The narrow street entering and exiting the controversial PCMPC. |
MGA DEPENSA NG MGA SUPPORTERS NI GOV. GUICO
“Baka binulsa bago mag (2022) eleksyon
nakakapagtaka three years hindi pa natapos,” kumento ni Samatha Vega sa
Country Mail's online kung saan unang lumabas ang banat;
“May plano pala sila na ganyan sana sa
isang taon may bubong na yan at may mga ilaw na iyan ang inaksyunan sana ni
dating Governor Pogi Espino at naging congressman din kapatid niya sa panahon
na yan pinagtulungan na sana nila ah,” ani Jojo Tabora Mata sa Country
Mail;
“Nagpagawa pa talaga sila dyan ng daanan
para sa resort nila sa Bugallon di na nahiya (i)tong mga Espino imbes na sa
Lingayen na lang para makatulong sa amin,” sabi ni Stella Fernandez sa
Country Mail;
“The project is in limbo due to the
technical and legal issues uncovered by the project termination committee by
the provincial engineering office. The comprehensive report will be provided by
the concerned office on Monday,” sagot thru text messages sa tanong ko ni
Provincial Information Office’s Chief Dhobbie de Guzman.
"Dahil substandard ang mga ginamit na materyales sa kasalukuyan ito ay delikado na kaya naman hindi na ito matuloy ng Provincial Government," ani ng isa pa.
The narrow street entering and exiting the PCMPC. |
AKING MGA REAKSYON
- May kalayuan ang Brgy. Umanday sa Capitol Complex sa Lingayen ang sentro ng pamahalaan ng higanteng probinsiya. Maluwag ang accretion (o pagdaragdag ng lupain na mahigit 10 hectares sa tantiya ko sa likod ng 25 hectares na Capitol kaya doon ililipat ang war museum).
Sabi ni Vice Governor Mark Lambino noong makapanayan siya ng mga reporters na nagbabayad ng mahigit kumulang P20 million kada taon sa tenurial instrument o special permit na upa ang Guico Administration sa Department of Environment and Natural Resource (DENR). Ang huli ang nangangasiwa sa mga public domain sa buong bansa gaya ng accretion.
Ito’y kabaliktaran sa mga mayayamang squatters na sumakop diyan sa Bay Walk sa Lingayen at Binmaley na pinatayuan nila ng mga negosyo nila na walang special permit. Kaya excited ang marami kung paano nila haharapin ang imbitasyon under pain of contempt ng Committee ng Kongreso na hinikayat ni Pangasinan 2nd District Cong. Mark Cojuangco. Tingnan natin kung uubra sa rasones nila na sila ang may karapatan dahil may tax declaration sila.
The White Elephant's PCMPC. |
“We have a basis to develop that area” ani Vice Governor.
Diyan dapat sa accretion inilagay ang four-storey hotel, restaurant building, two Olympic-sized swimming pools, activity area, at malaking parking lot ng white elephant sa Bugallon dahil di na kailangan bumili ng milyon milyong peso (extravagance or pagmamalabis ang tawag nito) na lupain ang provincial government dahil kayang rentahan iyan hanggang 50 years (see Section 3, Article XII of the Constitution) or hilingin sa Office of the President na e classify na alienable land o agricultural land at e-donate ng national government sa Capitol kung saan bahala na ang provincial government magpa convert sa lupa sa commercial at ano pa man.
- Pinagmamayabang ng mga kritiko na 10,000 seating capacity ng Convention Center at mas malaki ito sa Narciso Ramos Sports and Civic Center (NRSCC) sa Lingayen.
“(A)s well as a rubberized athletics track oval. It also hosts a 2,500 capacity gymnasium, outdoor courts, bowling alley, a second sports gym. Dormitories are also present within the complex which has a total capacity of 698 beds. A restaurant (replaced now by the provincial government owned Pangasinan Polytechnic College - Editor) and a lagoon are also hosted. The sports complex covers an area of around 3.5 ha (8.6 acres). The site also has a 25 m (82 ft) swimming pool which was last rehabilitated in 2015. A laundry or linen building, and a mess hall was also inaugurated within the same year”.
- Kung inumpisahan ang Center noong March 30, 2019, tatlong taon at tatlong buwan kung nasaan nasa poder pa ng kapangyarihan si Governor Pogi Espino hanggang hapon ng June 30, 2022, bakit hindi niya tinapos e tapos na ang bidding at may budget na ang pagpagawa sa mga building?
Tatlong taon at tatlong buwan? sanamagan!
Tinalo siya ng konstruksiyon ng Capitol building na isang massive edifice of limestone at concrete na disenyo ng sikat na urban planner na Amerikano na si Daniel Burnham at isa sa mga grandest buildings noong kapanahunan na iyon. Ginawa ang Capitol noong April 21, 1917 at natapos noong December 1918 - isang taon at walong buwan lang kahit makaluma pa ang mga gamit ng mga manggagawa.
Ang 200 ektaryang P3 to P6 billion National Government Administrative Center Clark (NGAC) – kung saan ang The New Clark City Sports Hub at ang 20, 000 seating capacity stadium ay matatagpuan – sa Capas, Tarlac ay ginawa lang ng isang taon at pitong buwan magmula sa kanyang groundbreaking noong January 23, 2018 hanggang matapos noong October 2019?
Bakit nabinbin ang White Elephant sa Bugallon? Ano ang ginawa ng Espino Administration sa 3.3 years na iyon?
No comments:
Post a Comment