Saturday, June 1, 2024

Lalabanan ba ni Duque si De Venecia?


 Ni Mortz C. Ortigoza

 Nakausap ko kamakailan ang isang kaibigan ni dating Health Secretary Francisco ”Pincoy” T. Duque. Aniya kaya nila pinatakbo si Manny de Guzman - dating driver ng kalihim sa Dagupan City – sa pagiging congressman ng Pangasinan 4th Congressional District para sa May 9, 2022 election dahil sa plano ni Duque na maging substitute siya.

 Pero, ani ng source na ayaw magpakilala, na naudlot ang plano dahil nakipag usap si former Speaker Joe de Venecia, kanyang maybahay na si Gina, at ang magiging last term para sa 2022 to 2025 19th Congress na si Rep. Christopher “Toff” de Venecia kay Duque na patapusin na lang ang ang batang De Venecia sa termino niya dahil sa May 2025 election ay si Duque na ang tatakbo.

DUKES OUT?  Health Secretary Francisco ”Pincoy” T. Duque (left, photo) and former Pangasinan 4th District Cong. Gina P. de Venecia.


Totoo ba ito na may usapan si Duque at mga De Venecia ayon sa supporter?

 Kasi kung totoo ito, malabo na maging solo ni Duque ang pagtakbo sa 4th District dahil kahit bago pa man ang barangay election noong October 30,2023 ay pinapatawag na ng mga De Venecia ang mga kandidato na mga kapitan sa district na mga manok nila sa kanilang tahanan sa coastal village ng Bonuan Binloc sa siyudad.

“Kung seryoso ang mga mukha naming mga kandidato sa Kapitan at Kagawad na pumasok sa tahanan nila, parang mapupunit ang mukha sa haba ng mga ngiti namin noong pauwi na kami,” ani ng isang Kapitan kung paano naging galante sa paldo na ayuda bago ang barangay election ang political family.

 Masipag umikot si Manay Gina at sinakyan na rin niya – sigurado sa pag-udyok ng P.R nila – kung paano gamitin ang social media para makuha ang pansin ng mga batang botante sa mga antics na ginagawa ni Manay kasama ang exiting na solon na anak na si Toff.

Na-onse' ba si Duque noong bago mag May 9, 2022 congressional election?

 Nasabi ko sa Inglis blog/column ko na may pamagat: Pincoy can Give Gina a Runfor Her Money noong December 22, 2023 na:

“Pound for pound or hundreds of millions of pesos for hundreds of millions of pesos of the De Venecias – who lorded the district for 33 years since patriarch former Speaker Joe de Venecia became a Congressman in December 30, 1969 -, Pincoy could give the De Venecias a run for their money.”.

Sa lahat ng nakalaban ni Manay – noong congresswoman pa siya – at ni Toff, walang binatbat iyong mga rivals nila kumpara sa charisma at yaman ni former Health Secretary Pincoy.

 Si Duque ang greatest threat sa paghahari ng mga De Venecia sa distrito. Pagnagkataon na maglaban ang dalawa sa Mayo 2025 at si dating mayor Brian Lim ay tatakbo sa pagka-alkalde kontra kay incumbent Dagupan City Mayor Belen Fernandez, parang nagbukas ng dalawang spillway gates ang San Roque Dam para bahain ng datung ang one city at four towns na distrito.

Sana wag malunod ang hundreds of thousands of voters sa distrito, baha at spillway gates kasi ang ginamit ko na mga salita.

 Baleg na pista la lamet next year para saray totoo (Malaking fiesta uli sa next year para sa mga tao), ayon sa salitang Pangasinense.

 Si Duque na isang medical doctor ay Health Secretary ni President Rodrigo Duterte noong  November 6, 2017 hanggang June 30, 2022.

Siya ay naging Philhealth President (2001-2005) sa ilalim ni President Gloria Macapagal-Arroyo, naging Health Secretary (June 1, 2005 – September 1, 2009) at Chairman ng Civil Service Commission (February 3, 2010 – February 2, 2015) sa ilalim ni President Benigno “Noynoy” Aquino.

No comments:

Post a Comment