Monday, June 3, 2024

Gagamitan ng Earth Balling ang Paglipat ng mga Puno


INGAY SA KAPITOLYO

Una sa Dalawang Serye

Ni Mortz Ortigoza

LINGAYEN, Pangasinan – Gagamitan ng earth balling (E.B) ang pagtanggal sa mga punong kahoy sa Capitol dito na maapektuhan ng development plan ng provincial government kontra pagbaha sa paligid nito.

Halimbawa ng earth balling machine para sa paglipat at pagbuhay sa binunot na punong kahoy. Ang larawan ay galing sa internet. 

“Actually the instruction was itong mga ma earthball na punong kahoy na ito ililipat natin sa Estanza, Lingayen – iyong eco-tourism po natin,” paliwanag ni Provincial Housing and Urban Development Coordinating Chief Alvin Bigay sa Northern Watch Newspaper.

Ang E.B na paraan ay garantiya sa kaligtasan ng buhay ng mga kahoy kahit sila ay ilipat sa ibang lugar.

Ang earth balling machines, aniya, na bibilhin ng provincial government ay dalawang klase para sa pagbunot ng maliit at malaki na mga kahoy. Ang pagdating nila ay kasalukuyang nakasalalay sa kalalabasan ng bidding na mangyayari ano mang araw ngayon.

“Ang nakalagay po kasi doon the derivative is within seven days dapat nandito na iyon”.

Ang intensyon ng mga gamit ay hindi para putulin ang mga kahoy kundi para mailigtas sila at mailipat sa 184 hectares na eco-tourism area ng Capitol sa Bugallon.

“That’s the reason why we invited the CENTRO-DENR to come to conduct an inventory of the trees. Hindi naman ibig sabihin na kaya namarkahan puputulin”.

Ang pagmamarka ng mga numero sa mga kahoy, ani Bigay, ay para may mapa ang mga awtoridad kung ano ang i-earth ball at kung ano ang puputulin.

“That’s for the inventory purposes kasi ang nakalagay doon sa guideline pag may inventory po tayo dapat magku-conduct niyan is the CENTRO”.

Some of the trees at the Capitol Complex in Lingayen, Pangasinan. They have been marked upon the order of the Community Environment and Natural Resources Office - Department of Environment and Natural Resources (CENRO-DENR) for inventory.

Aniya, pagdating ng dalawang kagamitan at permit sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) doon na magsisimula ang E.B at pagputol.

Ani Bigay huwag sanang padalos dalos ang mga tao sa paghusga sa provincial government dahil ginagawa lamang ng administrasyon ni Gov. Ramon V. Guico III ang development plan sa Capitol.

Dagdag pa niya na ang kapalaran ng mga kahoy ay masusing pinagaaralan ng mga urban planners at environmentalists.

Ang mga invasive trees gaya ng mahogany at ipil-ipil ayon kay Celso Salazar, dating Community Environment and Natural Resource Office - Dagupan City chief at kasalukuyang pangulo ng Pangasinan Native Trees Enthusiasts, Inc., ay nagpapalabas ng kemikal na sumisira sa mga habitats at bioregions.

Ani Bigay, hindi dehado ang kalikasan dahil papalitan ang bawat kahoy na puputulin ng 50 seedlings na itatanim.

Kasali na dito ang pagtanim ng Tabebuia rosea na kahawig ng cherry blossom sa Japan at mga native na mga kahoy para maging berde ang kapaligiran sa Kapitolyo at maging santuwaryo ng mga ibon at mga alitaptap.

Iba ang permit sa tree cutting at iba naman sa earth balling, paliwanag ni Bigay.

(TALA: Sa ikalawang serye ng artikulo na ito ay ilathala natin ang paliwanag ni Bigay ang mga kadahilanan bakit nalulubog sa pagbaha ang kapaligiran ng Kapitolyo)

No comments:

Post a Comment