Ni Mortz C. Ortigoza
BASISTA, Pangasinan -- Ang lokal na pamahalaan dito sa pamumuno nn Mayor Jolly "JR" Resuello ay nakiisa sa pagdiriwang ng Zero Waste Month 2026 na may temang: RA 9003 @25: Honoring Our Past, Renewing Commitments, Innovating for a Cleaner Tomorrow.
RA 9003 o Republic Act No. 9003 o mas kilala bilang Ecological Solid Waste Management Act of 2000 ay batas na nagbibigay ng legal na balangkas para sa sistematiko, komprehensibo, at ekolohikal na programa sa pamamahala ng solid waste sa Pilipinas. Ipinag-uutos nito ang pagbabawas ng basura, pagbubukod-bukod sa pinagmulan (segregation at source), pag-recycle, at pagkompos, habang binibigyang-diin ang pakikilahok ng komunidad at wastong pagtatapon sa pamamagitan ng mga Materials Recovery Facilities (MRF).
Ang Zero Waste ay isang adbokasiya kung saan ito ay naglalayon na mabawasan ang generation na mga basura sa pamamagitan ng mga simpleng paraan tulad ng paggamit ng reusables sa halip ng mga disposables, tama at matalinong pagkunsumo ng mga resources upang maiwasan ang produksoyon ng basura, recycling/ upcycling, composting at iba pa.
“Isa sa tampok ng selebrasyon ay ang ZumBasura na dinaluhan nila Vice
Mayor Jake
Lee Perez Sangguniang Bayan (SB) Committee Chair on Environment
Councilor Vanessa
F. Baraquio, SB Committee Chair on Health Hon. Monica
Nacin Ramos. Nakasama rin natin ang mga kawani ng Lokal na Pamahalaan
ng Basista, CSO Representatives, ZumBASISTA, Basista Waste Diverters, Solid
Waste Management Board, Barangay Representatives, DepEd Representatives,
Northern Cement Corporation at iba pang mga bisita at panauhin, “ ani sa Facebook post ni Mayor Resuello.
Mga
pangunahing punto ng RA 9003 ay ang mga sumusunod: Legal Framework: Ito ang
nagsisilbing pundasyon at gabay ng mga lokal na pamahalaan (LGU) gaya dito;
Segregation at Source: Ang paghihiwalay ng nabubulok, di-nabubulok, at
nareresiklo sa mismong bahay o establisyimento; Materials Recovery Facility
(MRF): Dito dinadala ang mga nakolektang basura para sa huling pagbubukod at
pagproseso (tulad ng composting).
No comments:
Post a Comment