Ni Mortz C. Ortigoza
MANGALDAN, Pangasinan - Sumasailalim na sa rehabalitasyon ang mga empleado ng local government unit (LGU) na nag-positibo sa surprise illegal drug test na ikinasa ng alkalde dito.
“They will be monitored by the PNP under the (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) at saka DOH also,” ani Mayor Bona Fe D. Parayno.
Anim na manggagawa na nakitaan
ng illegal na druga sa mga ihi nila noong sinorpresa silang e testing noong Mayo 20 ng mga
kawani ng Department of Health (DoH) katuwang ang mga tauhan ng Philippines
National Police at Bureau of Fire Protection.
Ito ay maingat na pinasimulan pagkatapos
ng flag ceremony na ginanap sa function hall dito.
Matapos ang confirmatory and drug
dependency examination (DDE), ang mga naging positibo ay sumailalim sa
rehabilitasyon sa Region-1 Medical Center Drug Treatment and Rehabilitation Center
(R!MC-DTRC).
Ang mga empleado na nag positive
sa DDE na isinasagawa ng R1MC-DTRC ay kailangan dumaan sa anim hanggang labing
walong buwan na drug rehabilitation.
Ayon sa source ng diyaryong ito,
dalawa sa kanila ay regular workers at ang apat ay job order employees (JOEs)
na nakatalaga sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO)
kung saan ang isa ay ambulance driver at iyong iba ay mga market guards.
Nilinaw ni Chief Administrative
Officer/HRMO-V Helen G. Abalos na ang parusa sa mga nag positibo ay automatic
contract termination sa mga JOEs. Pero ayon sa kanya, puede pa rin silang makapag
– apply pag sila ay nabigyan ng drug-free clearance galing sa DOH.
Ani Mayor Bona kahit na may awa
ang LGU sa mga nadawit, kinakailangan ang mahigpit na hakbang para mapanindigan
at mapangalagaan ang drug-free workplace base sa utos ng Civil Service
Commission (CSC) at sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
No comments:
Post a Comment