Saturday, April 26, 2025

Rosario kay Merrera: Ikaw at mga Galamay mo Debate Tayo!

 Ni Mortz C. Ortigoza, MPA

(NOTE: First of two series itong panayam kay dating Binmaley Mayor Sam Rosario sa isyu ng katiwalian na binabato sa kanya ni Mayor Pete Merrera at mga kasamahan nito. Sa ikalawang serye, ilalabas din natin dito ang mga sagot ni Merrera at ng kanyang kanang kamay na si Leon Castro na tinanggap ang hamon ni Rosario sa isang debate)

BINMALEY, Pangasinan – Buong tapang at walang pag-atubiling hinamon ng isang kandidatong tumatakbong para alkalde dito si Mayor Pete Merrera, ang kanyang kanang kamay, at mga kaalyado sa Sangguniang Bayan na mag debate “siya at silang lahat”.

BINMALEY mayoralty bet Sam Rosario (left) and reelectionist mayor Pete Merrera. 


Ani Vice Mayor Sam Rosario dapat bago ang bangayan walang magdadala kahit kanino sa kanila ng mga papeles sa harap ng publiko.

“Matagal na iyan ever since proclamation rally bara-barangay sinabi ko na sino ang maka Merrera diyan tinitape ninyo diyan hinahamon ko na kung pwede lumuhod pa ako tanggapin na lang ang aking hamon ng debate dahil hindi maganda e sasagutin ko ang alegasyon niya punto for punto. So ganoon din sa akin ang alegasyon niya kung sino ang korup at kung sino ang sinungaling sa aming dalawa,” ani Rosario sa writer na ito.

Dahil sa walang humpay na paninira sa kanya ni Merrera at mga loyalist nito, tiklop tuhod na uma-apela si Rosario sa alkalde na para hindi siya dehado sa debate, isama na niya si Castro – Man Friday ni Mayor -, Leonardo Nicolas (taga gawa ng mga demanda kontra sa kanya sa Ombudsman), Liga ng mga Barangay President Butch Merrera, at lahat ng ka-alyado ni Mayor na miyembro ng mayorya ng Sangguninang Bayan.

Tinutukoy ni Rosario ang mga isyung kurapsyon na pinasok niya gaya ng P4 million na slab na allegedly double billing sa multi-purpose building ng Department of Public Works & Highway (DPWH), plunder case sa kontrata niya sa Region 1 Medical Center (R1MC), at iba pang mga asunto na isinampa sa kanya ng mga kaalyado ni Mayor.

Noong Pebrero 25, 2024 isinulat ng writer na ito sa Northern Watch Newspaper ang balita na Ombudsman Indicts P’sinan Ex-Mayor. Nakasaad: “In the Order signed last February 2, 2024 by Ombudsman Director Margie G. Fernandez-Calpatura of the Preliminary Investigation, Administrative Adjudication and Prosecution Bureau - C, former Mayor Simplicio L. Rosario – the present Vice Mayor here – was directly instructed to submit his and his co-accused verified petition position papers on the grave misconduct case with docket No. OMB-L-A SEP-23-0162. Rosario co-accused were Municipal Accountant Teggie V. de Guzman, Municipal Treasurer Josephine F. Anchiboy, and acting Municipal Treasurer Leo V. Fernandez. The complainants were Leon C. Castro, Jr. Douglas R. delos Angeles, Lorenzo M. Cerezo, and Julian Edgar Gregorio Javier”.   

 

Noong Nobyembre 28, 2024 ni published uli ng nasabing diyaryo na may pamagat:Plunder, Iba pang Kaso Hindi Ikinabahala ni Rosario. Nasambit doon:  “Ikinibit balikat lang ng bise alkalde dito ang mga kasong Pandarambong (Plunder), Prohibited Business and Pecuniary Interest, Anti-Graft and Corrupt Practices Act, Conflict of Interest, at Money Laundering na hinain ng tao ng alkalde dito sa kanya. Kasama sa nakademanda ni Vice Mayor Simplicio "Sam" Rosario sina Dr. Joseph Roland O. Mejia, Medical Center Chief II, Region 1 Medical Center (R1MC), Arellano Street, Dagupan City; Engr. Edita L. Manuel, District Engineer, Department of Public Works and Highways, 2nd District Engineering Office, Alvear Street, Lingayen, Pangasinan; at Engr. Gertrudes A. Viado, Division Manager, National Irrigation Administration, Pangasinan Irrigation Management Office, Urdaneta City. Ani Rosario na sinagot na niya ang counter-affidavit na utos ng Ombudsman noong Oktubre 17, 2024 sa mga kasong criminal na plunder na hinain sa kanya ni Leon Cruz Castro, Jr. ,62, – aide ni Mayor Pedro “Pete” Merrera noong Hulyo 29, 2024. Bahagi ng Sworn Complaint Affidavit ni Castro ay nagsasabi: Respondent Rosario has entered into contracts with Region 1 Medical Center, DPWH-Pangasinan 2nd DEO, NIA-PIMO, and among others;”. Ani Castro na kinasuhan niya si bise alkalde dahil sa mga katiwalian noong pagiging municipal mayor at vice mayor niya sa Binmaley. Dagdag ni Rosario na hindi niya ikinababahala ang asunto dahil meron siyang batayan sa Government Procurement Reform Act na hindi nagbabawal sa isang elective official na makipagnegosyo gaya ng pangungontrata sa pagawa ng mga imprastraktura”.

 Sinasabi mo 70 cases ako. Lima ata sa akin (sinampa niya kay Merrera- Writer) bakit ayaw mo rin sabihin na may kaso ka na apat?” banat ni Rosario kay Mayor Merrera.

Lalong nagpainit kay Rosario ang tugon ni Merrera sa media sa hamon niya na “asikasuhin na lang niya ang mga kasong isinampa sa kanya kaysa magyaya ng debate”.

“Inasikaso ng abugado ko! Parang ikaw may kaso ka nga bakit sino ang nagaasikaso? Asikaso mo rin, abugado mo, oh!”.

Noong tinanong ng writer na ito kung paano niyo sasagutin ang double payment na pinasukan niya sa slab noong punong tagapagpaganap pa siya dito, aniya kahit hindi nakasali sa estimate ng Phase 1 (two- storey building) na kontrata ang slab sa itaas ng second floor ng multi-purpose building ay naisali pa rin sa bayad ng DPWH at nasingil uli ng munisipyo nang tinapos ng local government ang ika tatlong palapag.

“Inapel sa COA sa Region nakita nila nag overlapping doon. So ang ginawa ko kinausap ko ang kontraktor. Ako rin mismo nakita ko ang overlapping. Dahil ako ministerial ako di naman ako Engineer. Kinausap ko ang kontraktor. Ganito na lang ang gagawin natin huwag na nating e-appeal sa central (Manila) bayaran mo na lang ibalik mo na lang ang P4 milyon hindi naman napunta sa akin iyan. “Paano ko ibalik e nakademanda na rin ako sa Ombudsman,” (sagot ng Kontraktor kay Rosario),” paliwanag ng bise alkalde.

Aniya dahil siya ay nagtatrabaho sa gobyerno pinahinto ng Commission on Audit ang pagtanggap niya ng buwanang mahigit isandaang libong sahod niya sa local na pamahalaan dito. Maging kabayaran ito oras na mapatunayan na kasama siyang maysala sa pagpapatayo ng tatlong palapag na gusali.

“So iyon. Tatlo Citron, iyong kontraktor saka si Leo (Treasurer Fernandez) saka ako. Ako lang iyong empleyado ng gobyerno kaya ni withhold ang sueldo ko –pumayag na ako (payment sa P4, 049, 195.58). Makuha ko rin iyon pag nagbayad iyong kontraktor o natapos iyong kaso – kaya pinabayaan ko. So iyon ang problema niyan pinapalabas bakit ako magbabayad kung wala akong kinuhang pera, kita niyo you see?”.

Tinawanan lang ni Rosario ang walang piyansang Plunder Case na sinampa sa kanya ni Castro sa pagpasok niya sa kontrata sa hepe ng R1MC na si Director Roland Mejia – inaanak niya sa kasal.

Wala iyan! Tatawanan lang nila iyon. Di ba may pusisyon (paper) ako diyan, bakit ako ipa-plunder ako diyan? Ngayon pinapaalaala ko na ang kontrata pinapalabas na disallowance iyon. Disaallownce na ngayon hindi na plunder. Kita mo ang palikdo (lie) nila, sobra!”.

Aniya 15 taon na siyang alkalde pero hindi niya ugaling manira ng ibang tao. Sinagot lang daw niya ang mga paninira nila Merrera dahil pag hindi niya masagot baka sabihin ng mga nakakarinig na totoo ang dorobong isyu sa kaniya.

Kaya ang hamon niya kay Merrera at mga kasamahan niya: “Explain ko isa’t isa kung ano ang paratang nila. At sagutin nila ako ano iyong paratang na nakikita ko sa kanila. Pakita ko iyong MRF (material recovery facility) iyong mobile clinic. Tingnan niyo ito iyong P11 million bakit ayaw gamitin para sa inyo? Libre sana ang x-ray, libre sana ang ECG (electrocardiogram)”.

Pati ang lumalalang isyu ng basura sa ilalim ng halos tatlong taong pamumuno ni Merrera ay hindi nakaligtas sa batikos ni Rosario nang makapanayam siya ng Northern Watch Newspaper sa Rufina Restaurant dito sa Barangay Gayaman na pag-aari ng kanyang pamilya.

No comments:

Post a Comment