Saturday, April 19, 2025

Apeng: Hindi ko Nisabotahe ang Parada ni VM Mejia

 

 TAO NI MEJIA ANG PAKINDINGKINDING

Ni Mortz C. Ortigoza

MANGALDAN, Pangasinan – Pinabulaanan ni Apeng Torio na siya ang sumabotahe sa caravan ng kumakandidato para sa pagka-alkalde dito na si Vice Mayor Mark Stephen Mejia.

Sa ipinakitang video ni Torio sa writer na ito kamakailan lang, mariin itong itinangi ng una na ang akusasyon at pang iinsulto ng mga taga suporta -- kasama na ang mga mediamen at bloggers -- na sinira niya ang parada ni Mejia noong Marso 30 sa Poblacion dito.


“Tingnan ninyo rin Sir iyong sumasayaw na lalaki ay hindi ko kamukha,” malungkot na ipinaliwanag ni Torio – kawani sa opisina ni reelectionist Mayor Bona Fe D. Parayano – na nasaktan siya at ilang araw din siyang hindi makatulog dahil sa paghihirap ng damdamin dahil sa mga pangiinsulto sa social media sa pagkatao niya ng mga supporters ni Mejia.

Si Torio at iyong sumasayaw ay miyembro ng LGBT (lesbian, gay, bisexual, transgender, and queer) dito.

Sa video ay makikita ang isang lalaking naka puti ng t-shirt at itim na short na may hawak sa dalawang kamay niya ng mga poster ng mukha ni Mejia at pakindingkinding na parang si Cleopatra sa kalsada habang kinakantiyawan siya ng mga manonood ng: “TALO NA!, TALO NA! GRABE, MAY NANALO NA!”

Patuloy lang siyang sumasayaw na di batid ang mga tawanan ng mga taong andoon na chant pa ng ‘EY! ‘EY! EY! EY! EY! EY! EY! EY! EY! EY! EY!

Ani Apeng tao nila Vice Mayor Mejia ang lalaking pakindingkinding sa kalsada at hindi tama na batikusin siya ng mga supporter ni Mejia na siya iyong nanira ng parada ng huli.

Depensa ni Mayor Parayno sa mga walang ingat na mga nambabatikos kay Apeng at sa kanyang pangasiwaan: “as a government institution committed to upholding the election laws of the Philippines and Civil Service Rules and Regulations, LGU Mangaldan cannot over emphasize the importance of political neutrality in the government service bureaucracy”.

Sinabi ng alkalde na nag-isyu siya ng Memorandum isang araw o noong Marso 27 bago magsimula ang 45-araw na campaign period para sa mga kandidato sa local eleksyon sa Mayo 12 na ipinagbabawal ang pakikilahok sa electioneering o political partisan ayon sa Commission on Election (COMELEC) – Civil Service Commission (CSC) Advisory on Electioneering and Partisan Political Activities (Joint Circular No. 1, s. 2016).

Ang mga paglabag sa Comelec-CSC Advisory ay ang mga sumusunod:

  • Forming groups, associations, or committees to solicit votes or campaign for/against a candidate.
  • Holding political rallies, caucuses, meetings, or parades for election campaigning.
  • Making speeches, announcements, or media commentaries to support or oppose a candidate.
  • Publishing, distributing, or displaying campaign materials promoting or opposing a candidate.
  • Directly or indirectly soliciting votes, pledges, or support for a candidate or party.
  • Using government resources—such as time, personnel, facilities, and equipment—for political purposes.
  • Providing financial or material contributions to candidates or political parties.
  • Wearing campaign-related shirts, pins, caps, or accessories, unless authorized by the Commission on Elections (COMELEC).
  • Serving as a watcher for a political party or candidate during the election.

Ang mga kaparusahan ay ang mga sumusunod:

Government employees who engage in prohibited partisan political activities may face administrative sanctions under the 2017 Rules on Administrative Cases in the Civil Service (RACCS):

  • First offense: Suspension of one (1) month and one (1) day to six (6) months.
  • Second offense: Dismissal from service, including loss of benefits and disqualification from future government employment.

“It is unfortunate that an employee of LGU Mangaldan has been wrongly tagged in the aforementioned report even to the point of redicule when addressing the gender orientation of the employee,” ani Mayora sa maling akusasyon at pagiinsulto sa isang empleyado dito na hindi naman iyong taong naninira kay Mejia.

Nanawagan si Mayor Bona sa mga mediamen na sundin ang “journalistic standards and verify information” first bago bumanat.


No comments:

Post a Comment