Friday, April 25, 2025

Libreng Family Planning Para sa Manaoagueño

 

MANAOAG, Pangasinan - Bilang bahagi ng kampanya para sa responsableng pagpapamilya, isinagawa ng Rural Health Unit ng first class na bayan na ito ang libreng family planning services katuwang ang Service Outreach Distribution Extension Program (SODEX) at DKT Philippines Foundation, Inc.

MANAOAG amiable mayor Ming Rosario (far right)--a medical doctor--is in a huddle in this photo with his constituents. (MIO photo)

Sa nasabing aktibidad, naghandog ng libreng bilateral tubal ligation at vasectomy para sa mga residenteng nagnanais ng permanenteng family planning method. Layunin nitong matulungan ang mga pamilya na magkaroon ng mas planado at mas maayos na kinabukasan, lalo na sa gitna ng limitadong pinagkukunang yaman.

Patuloy ang suporta ng lokal na pamahalaan, sa pangunguna ni 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗝𝗲𝗿𝗲𝗺𝘆 𝗔𝗴𝗲𝗿𝗶𝗰𝗼 𝗕. 𝗥𝗼𝘀𝗮𝗿𝗶𝗼, 𝗠𝗗, sa mga programang pangkalusugan at pangkabuhayan para sa kapakanan ng bawat Manaoagueño.

 

No comments:

Post a Comment