Thursday, April 6, 2017

Totohanang pagbabago, isabuhay


Ni Kitz Basila

BOLINAO, Pangasinan West – MARIIN na himok ni Congressman Jesus ‘Boying’ Celeste sa mga tinaguriang biktima ng salot na iligal na droga. Ito ang nagningning na bahagi sa kanyang talumpati ugnay sa isinagawang pagdekara sa bayan na ito na ‘drug-cleared’, sa pagtitipon na ginanap sa Don Raymundo Celeste Sports Complex, noong Abril 01, 2017.
Image may contain: 1 person, smiling, closeup
Congressman Jesus "Boying" Celeste
“HUWAG nang balikan pa ang magulo at mapanganib na pinagdaanan na bunga ng paggamit hanggang pagka-lulong sa bawal na gamot,” pangaral ni Congressman Celeste sa 534 na tinawag ng Kapulisan na ‘surrenderers’ na dating nagumon sa paggamit ng iligal na droga na tulad sa ‘shabu’ at iba pa.
“NAKAKAAWA ang inyong pamilya, nalulungkot ng husto sa inyong mga mahal sa buhay, lumalayo ang inyong mga kaibigan at kakilala, mistulang kriminal kayo sa paningin ng iba, pinaghahanap kayo ng mga otoridad at ang masaklap ay animong alipin kayo ng mga ilan na gahaman na nagtutulak ng gamot na dito kayo ay nabihag at nalulung,” buod ng paunawa at paalala ni Congressman Celeste sa mga aniya ay biktima ng kasakiman ng ilan partikular na ang mga drug-lords at tulak nito.
ANIYA marapat na ‘totohanang pagbabago ang isabuhay’ tahakin ang matuwid na landas para ang makatwiran na buhay ay makamit.
“KATULONG po ninyo kami, sina kapitan, si Mayor at lokal na pamahalaan at aking tanggapan para sa mas mainam at mas masaya at matiwasay na pamumuhay ay inyong matamasa sa paglisan sa tukso at adya na mga panganib ng iligal na droga,” diin na hikayat ni Congressman Boying para sa lubusang pag-iwas at pagsawata sa iligal na droga.
MAUGONG naman na palakpakan mula sa mga surenderrers ang sukli ng bawat panghikayat at himok pangungusap na laman ng sampung-minuto na talumpati ni Congressman Boying Celeste.

KABAHAGI sa maikli ngunit tigib sa pangaral na araw ng deklarasyon na drug-cleared na ang bayang ito, ay mga barangay chairmen, municipal councilor Rudy Caacbay – tserman ng peace and order committee ng Sangguniang Bayan dito, PB Romeo Celeste – pangulo ng liga ng mga barangay dito, Mayor Arnold DF Celeste at Vice Mayor Dr. Alfon F. Celeste na inirepresenta ni Atty. Ayar Montemayor – SB Secretary dito at ang mga biktima ng iligal na droga dito. (Akong Matyag)

No comments:

Post a Comment