ISINASAGAWA sa ngayon ng Kapulisan ang pagsasala sa kanilang tauhan para alisin sa kanilang hanay ang hindi karapat-dapat.
INATASAN ng Department of Environment and Natural Resources o DENR na ayusin o itugma sa maka-kalikasan at wastong Pagtangan at Pagpapahalaga ang siste ng mga nagmimina sa buong bansa.
INAALIS na ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources sa pinagsanib na pwersa ng alyadong sangay ng national government ang mga fishtraps, cages at pens sa Laguna Bay para iwasto ang kalagayan nito sa marapat na sistema na ayon sa likas nitong itsura.
NAGBABAWAS na ng sobrang bilang ng fishcages ang pamahalaang Sual, para maseguro na laging maaliwalas at tugma sa huwego ng masigla at produktibong mariculture zone ang baybayin at karagatan na sakop.
PATULOY na pinagtutuunan ng matamang pansin ng pamahalaang lunsod ng Alaminos ang higit pang ikagaganda at kaaya-aya ng katubigan na sakop para sa mas masaganang ani at pang-turismo na sadya.
TUMUTULONG ang mga taga-barangay sa baybayin ng Agno sa hangad ng lokal na pamahalaan na panatilihin ang likas na rikit at yaman na taglay ang sakop na karagatan.
No comments:
Post a Comment