Rep. Christopher de Venecia |
Sinabi ni District 4
Engineer Dion,na maiiwasan ang pagtapon ng tubig-baha mula sa Calasiao kung itataas ang dike sa Barangay Banaoang para ang tubig ay dumaloy sa ilog sa halip na dumiretso sa Dagupan. Ayon kay De Venecia, sa mga susunod na araw ay nakatakda siyang makipagpulong muli kay DPWH Secretary Villar para isapinal ang mga hakbang para maitama ang maling istraktura. na dahilan kaya naging catch basin ng tubig-baha ang Dagupan. Sa kasalukuyan ay abala ang kongresista sa paglikha ng pambansang budget na nakatakdang aprubahan bago matapos ang taon. At isa sa sinisiguro niyang malalagyan ng pondo ang flood-control project na ito. SAMANTALA, nitong nakaraang Sabado ay nabiyayaan ang limandaang (500) pamilya sa Barangay Malued, Dagupan City sa mga relief goods na ipinamahagi ng opisina ng kongresista bilang tulong sa mga residente na apektado ng matagal na pagbaha. SA IBANG BAGAY, panauhin din si Congressman De Venecia sa programang “Bottomline” ni Boy Abunda, Sabado ng gabi sa ABS CBN -Channel 2. Ito ay mapapanood din sa ANC, Linggo ng umaga.
No comments:
Post a Comment